Pahula 146: Magagamit mo ang iyong karisma sa negosyo

Sir GOVINDA JEREMAYA
Latest posts by Sir GOVINDA JEREMAYA (see all)

Bigyang daan natin sa ngayon ang Pahula 146

 

Sayo  Celia Nonan ,

     June  2, 1953. Lucky numbers ang request mo kaya narito ang mapapalad mong numero:

1)     Dahil ang iyong zodiac sign ay  Gemini, ang numerong 5 ay isa sa mga lucky number mo, ito rin ay nagsasabing suwerte ka  sa mga numerong  14, 23,32,41,50 at iba pa kabilang sa kung tawagin ay  5’s.

2)     Dahil ang date of  birth mo ay ika-2, masuwerte ka rin sa numerong 2 ,ito rin ay nagsasabing ang mga numerong  11, 29, 38. 47, 56 at iba pang kung tawagin ay 2’s.

3)      Dahil  ang 2,tulad ng nasabi na ay lucky number mo, suwerte ka rin sa numerong 1. Ito rin ay nagsasabing suwerte ka sa mga numerong  10,19, 28,37, 46, 55 at  sa iba pang numerong kung tawagin ay 1’s.

4)      Dahil suwerte ka sa numerong 1, ikaw din ay buwenas sa numerong  4. At sa iba pang numerong kung tawagin ay 4’s.tulad ng  13, 22, 31, 40 , 58 at iba pa.

5)      Dahil  suwerte ka sa numerong 4 , ikaw rin ay buwenas sa numerong  8 at sa mga

numerong  17, 26, 35, 44 , 53 at iba pang kung tawagin ay 8’s.

 

 Sayo Ruby Kikawada ,

    November  10, 1967. Masyado malakas ang iyong karisma kaya  kung ang karisma mo ay magagamit sa negosyo tiyak ang pagyaman mo.

Madalas dalawin ka ng mga suwerte mula sa maliit hanggang sa sobrang malaking mga suwerrte. Kung  maiingatan at ilalagay sa mga  kapakipakinabang na bagay, tiyak na uunlad ang iyong buhay.

Red at Yellow ang lucky colors mo, kaya  mas magandang  gamitin mo ang mga kulay na ito ng sa ganoon ay maglalapitan sa’yo ang mga suwerteng  pinakaaasam mo.

Ang color black ay may kakaibang hatid sa’yo dahil  ang kulay na ito ay nagsasabing tatalunin mo ang kahit sinong kaaway mo, katunggali at mahigpit mong mga karibal at mga kakumpitensya.

 

Sayo Rosalinda,

        July 8, 1993. Sundin mo ang udyok ng buhay na noon pa ay  parang  inutusan ka na magnegosyo. Dahil  negosyo ang magpapayaman sa’yo, ibig sabihin, sa pamamasukan ay malabong yumaman ka.

Kapag ang tao ay  may udyok ng buhay na magnegosyo, kahit wala siyang malaking puhunan ay tiyak na aasenso ang kanyang negosyo. Kaya lakasan mo ang loob mo dahil kapag patuloy kang naduwag o mahina ang loob mo, walang mangyayari sa buhay mo ,as in, hindi ka aasenso.

Sa pagnenegosyo, tuturuan ka na magtipid , at maging mapaghalaga sa mga maliiit na pera o kinikita. Kaya  mawawala sa sarili mo ang masyadong kagalantihan na para bang  ang kinabukasan ay hindi mo pinahahalagahan na ikaw ay nabubuhay lang sa kasalukuyan.

Sa pagnenegosyo, makikilala mo ang  iyong makakasama  habang buhay , na kung tawagin ng marami ay “ forever” ,pero kung  hindi ka magnenegosyo darami ang lovelife mo na parang maliligaw ka at  hindi muna makakamtam ang tunay na kaligayahan.

Dahil kapag  maraming lovelife ang  tunay na depinisyon ng “Love” ay nawawala na ,as in,  hindi na alam ng tao kung paano ang  magmahal ng  tunay. Good Luck and God Bless.

Salamat sa pagbasa sa Pahula 146.

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

More Tanong mo Sagot ko

SHARE
Previous articleDIY lucky charms
Next articleAng Sikreto ng mga Komedyante
Founding Chairman- The Society For The Study Of  Hidden And Forbidden Knowlegdes Founder- Govinda Jeramaya School For Mystic Arts and Science

2 COMMENTS

  1. Magandang araw po sir govinda, anu po kaya maganda na negosyo sa akin november 18,1988 po b-day ko at kulay na mswrte po..

  2. Hello po sir govinda..may maliit na negosyo po ako..sa tingin nyo po ba lalago pa eto.mdyo mahina po kasi ang kita ko kasi maraming din nagttinda katulad ko.b-day ko po may 22 1987 po. Salamat po sa tym nyo

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here