Pahula 144: Alamin ang masusuwerte mong kulay

Sir GOVINDA JEREMAYA

Founding Chairman- The Society For The Study Of  Hidden And Forbidden Knowlegdes
Founder- Govinda Jeramaya School For Mystic Arts and Science
Sir GOVINDA JEREMAYA

Latest posts by Sir GOVINDA JEREMAYA (see all)

Bigyang daan natin sa ngayon ang Pahula 144.

 

Sayo Refehoney,

July  16, 1968.  Sa tanong mong ano ba ang  masuwerteng kulay mo ang sagot ay  Green, White, Blue,Yellow at Black. Ibig sabihin,  hindi lang isa ang iyong lucky colors . Ito ang sa dahilang sa Halamanan ni God , maraming kulay ang mga bulaklak na lalo nagpapaganda sa Kanyang Garden.

        Mas mahalaga ang tao kaysa sa isang garden kaya  si God na nakakaalam ng lahat ng bagay ay nilikha ang tao na hindi lang isa ang kanyang lucky color.

 

          Ang lucky charms mo ay ang sumusunod:

1)     Anumang bagay na  mula sa  tubig tulad ng mula sa ilog, sapa, balon, fountain at mga daluyan ng tubig sa bundok at bukid. 

2)     Anumang bagay na mula sa dagat o sa tubig–alat ay  lucky charm mo rin.

 

Sa tanong mo tungkol sa future mo ang sagot ay simple lang. Gamitin mo ang iyong

lucky colors at lucky  charms dahil sila ang magbibigay sayo ng magandang kinabukasan.

 

Narito naman ang  mahalagang Gabay ng Kapalaran para sayo:

1)     Sa mga araw na  gusto mong  suwertihin ka, isuot mo ang lucky colors mo. 

2)     Sa mga araw na  may malaking pangarap ka na gustong mong maabot,  magpunta ka sa tabing ilog o maligo ka sa ilog or sapa or sa  may buhay na tubig na tabang  at  doon ay manahimik ka at doon mo rin hilingin ang iyong malalaking pangarap.

3)     Dahil may mga pagkakataon na mahirap ang magpunta sa mga nasabing lugar, ang pwede mong gawin ay ang maligo ka sa tabang na tubig, sa  shower room at  habang  dumadaloy ang tubig sayong buong katawan, hilingin mo ang  malalaking pangarap mo sa buhay.

4)    Maliligo ka sa dagat at hilingin mong mtupad ang iyong malalaking pangarap.

5)     Sa mga oras na namamahinga ka sa tabing –dagat , ikaw ay pinapayuhan na tumingin sa malayo  at habang nakatingin ka sa malayo, muli, hilingin mo ang iyong malalaking pangarap.

6)     Kapag nagkaroon ka ng pagkakataong mag-abroad, mag-abroad ka dahil ikaw ay masuwerte sa pag-aabroad.

7)     Kapag  nakaramdam ka ng lungkot, kabiguan at iba pang mga hindi magagandang bagay,  magpuunta ka sa malayo , na nagsasabi ring iwan mo ang lugar na kung nasaan ka at  lumipat ka sa malayong  lugar na nagbigay sayo ng kalungkutan, kabiguan at  kamalasan.

8)      Dahil ang mga suwerte mo ay masayang naghihintay sayo sa malalayong bayan.

9)     Ito rin ay nagsasabing  mas maganda para sayo ang madalas na mamasyal sa malalayong lugar na may magagandang tanawin.

10)  Huwag kang matakot. Lakasan mo ang loob mo dahil  hindi ka pwedeng manatili sa lugar na kung saan  ay hirap na hirap ang iyong loob.

Good Luck and God Bless.

Salamat sa pagbasa sa Pahula 144.

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

SHARE
Previous articleChinese Horoscope Agosto 18
Next articlePamahiin Hayop: Pagmasdan mo silang mabuti
Founding Chairman- The Society For The Study Of  Hidden And Forbidden Knowlegdes Founder- Govinda Jeramaya School For Mystic Arts and Science

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here