Pahula 143: Mag-asawang yayaman sa pagnenegosyo

Sir GOVINDA JEREMAYA
Latest posts by Sir GOVINDA JEREMAYA (see all)

Bigyang daan natin sa ngayon ang Pahula 143

 

Sayo Dellomos Ferlyn,

    July 21,1967 at Nov. 12,1969 : Sa tanong mong ano ba ang future ninyong mag-asawa, ang sagot ay  yayaman ka mula sa pagnenegosyo.

 

Narito ang gabay ng kapalaran para sa inyo

1)     Mag-ipon!  Dahil ang negosyo ay nagmumula sa naipon ng gustong magnegosyo.

2)     Kaya huwag kang tumulad sa iba na akala ay negosyo agad-agad dahil may puhunan na sila na ang puhunan ay  hindi naman pinaghirapan.

3)     Dahil  tiyak din namang mawawala, as in, malulugi o matutunaw ang  puhunan na hindi naman pinaghirapan.

4)     Kaya kahit pa may pera na kayo, huwag munang  galawin, ang kailangan ay magpondo kayo ng pera na iyong papalakihan sa pamamagitan ng pag-iipon na inyong gagamitin na paunang puhunan sa negosyo.

5)     Halimbawa, ang pera ninyo ay  20 thousand, itabi ninyo ang  limang libo o kahit anong  halaga at dadagdagan ninyo sa pag-iipon. Kaya  hindi lahat ng pera ay  gagamitin agad-agad sa  pagtatayo ng negosyo.

6)     Hindi naman nangangahulugan na ang iba ninyong pera ay iyong gagastusin. Mali ang ganoong desisyon.

7)      Sa buhay ng tao, kailangan din na maglaan  siya ng  pera o pondo sa mga biglang pangangailangan. Hindi maganda sa tao ay inuubos ang pera dahil sa may inaasahan na darating pa.

8)      Sa buhay ng tao, kailangan na pag-ipunan din niya ang kanyang pangarap 9)     Sa buhay ng tao, ang pagtulong sa kapwa ay hindi pwedeng mawala. Kaya  mahirap nga lang paniwalaan at nakakabigla ang katotohanan na dapat ding may pondo  para sa pagtulong sa kapwa, dahil sobrang mali na  para lang makatulong ay  igagawa ng para ang tutulungan.

10)  Kaya kung  magagawa  ng tao na siya ay may pondo na kalaan sa pagtulong sa kapwa, mas maganda.

 

Alam mo, Ferlyn,  sobrang mahalaga sa isang  gustong maging matagumpay na negosyante ang siya ay marunong mag-save o mag-ipon. Ang totoo nga,  huwag na huwag ng magnegosyo ang taong  hindi naman sanay mag-ipon.

 Kaya nga  sa kasagutan kong ito sa request mo, binigyan diin ang kahalagahan ng “savings.” Dahil ang pag-save ay isa sa  tinatawag na Law of Success. Ibig sabihin, mabibigo sa buhay ang taong hindi marunong mag-ipon.

Sa pag-iipon , nakaka-develop ang tao ng disiplina sa sarili na isa rin sa mga Laws of Success na nagsasabing ang taong walang disiplina sa sarili ay mabibigo sa buhay.

Sa pagkakaroon ng disiplina sa sarili, ang mga  problemang likas na mararanasan habang nagnegosyo ay  mas madaling malulutas dahil makokontrol niya ang  mga pangyayari sa kanyang buhay.

 

Muli, mag-ipon kayo ng asawa mo dahil  kayo ay magnenegoyo.

Good Luck and God Bless.

Salamat sa pagbasa sa Pahula 143.

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

1 COMMENT

  1. Aq po tanung po pareho po kme pisces mag aswa yyaman po b kme s negosyo nmin panu po kaya? Slamat po

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here