Pahula 142: Alamin ang gabay ng kapalaran

Sir GOVINDA JEREMAYA
Latest posts by Sir GOVINDA JEREMAYA (see all)

Bigyang daan natin sa ngayon ang Pahula 142

 

Sayo Maria Salonga,

 October 21, 1965. Sa tanong mong ano ba ang natitirang  kapalaran mo sa iyong buhay dahil  25 years ka ng single ang sagot ang  marami pang makulay na lovelife ang nag-aabang sa landas ng buhay na iyong tinatahak na ang dulo ay  tiyak na tiyak na kasaganahan.

Narito ang  Gabay ng Kaparalan para sayo:

1)     Madalas magsuot ka ng  mga kasuotang may kislap dahil dito,  hindi na inirerekomenda sa’yo na  isuot mo pa ang mga kupas at sobrang luma ng mga kasuotan kahit pa ang ilang sa mga ito ay naging iyong  paborito.

2)     Inirerekomenda rin na  makinig ka sa masasayang musika at kung pwede ay ikaw na mismo ang mag-compose ng sarili mong masayang awitin , na kapag iyong  kakantahin ay  lagyan mo ang  sayaw kahit na simpleng sayaw na na kung saan ay gumagalaw ang iyong mga kamay at paa at mismong katawan.

3)     Maganda rin na maglagay ka ng curtain sa window, door at sa wall ng iyong bahay.

4)     Bawal man ang matatamis na pagkain lalo ang mga chocolates ikaw pa rin ay pinapayuhan na kumain ng kahit konti lang  na kung saan ay  kusang matutunaw sa loob ng iyong bibig.

5)      Ipinapayo rin na mag-ehersisyo ka, ‘yon  ehersisyo na kung saan ay lalabas ang iyong pawis ,gawin mo ito kahit hindi gaanong matagal ang pag-eehersisyo mo.

6)      Ganito ang masuwerteng paglakad para sa’yo, mabilis na mga  hakbang at pagkatapos ay babagal, muli bibilis at muling  babagal.

7)     Na  kapag lumalakad ka , mas magandang gumagalaw ng bahagya ang iyong ulo. Na pwedeng  titingin ka sa kanan at sa kaliwa .

8)     Matuwa ka kapag maaga kang nagigising na kung kailan ay  gising ka na bago pa man sumikat ang Haring Araw sa Silangan.

9)      Kung magagawa mo ay  kakain ka ng ikaw ay may kasabay o kasalo. Pero  pwede rin naman na ikaw lang mag-isa pero paminsan-minsan ay may kasabay ka na habang kayo ay kumakain ay nagkukuwentuhan kayo ,kaya, medyo magtatagal ang time of eating.

10)   Kahit na nakakadama ka ng lungkot, pasayahin mo ang iyong sarili, kumbaga, lagi mong iisiping  nasa  sa kamay mo o hawak mo ang iyong kaligayahan at kalungkutan.

11)  Kapag may bago kang kakilala na angat ang buhay, may sinasabi ,may ranggo at may kaya,  asahan mo siya ay may dalang suwerte saiyo.

12)  Kaya  sa mga araw na bago pa lang kayong magkakilala, tumaya ka sa mga  tulad ng lotto at iba pang  aktibidad ng tao na ang nakataya ay ang mismong  kapalaran.

Sa tanong mong makakakuha ba ng house ang iyong anak , ang sagot ay oo. At hindi lang ‘yan ang kanyang makukuha dahil makakakuha rin siya ng sobrang mahal na  mahal siya  kung saan ay  pwedeng –pwedeng  pakinabangan niya ang nasabing  sobrang pagmamahal sa kanya.

Ibilin mo sa anak mo na  higit kailanman, ang pagpapakumbaba at ang may kababang loob ay pinagpapala at ang isa pang mahalagang malaman niya, kailangang laging nakasayad sa lupa ang kanyang mga paa.

Dahil ayon sa petsa (Aug 12, 1989) ng kanyang kapalaran siya ay sobrang yayaman sa abroad man  o dito sa Pinas.

Good Luck and God Bless.

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

More Tanong mo Sagot ko

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here