Pahula 141: Dadami ang magkakagusto sa’yo

1
177
Sir GOVINDA JEREMAYA

Sir GOVINDA JEREMAYA

Founding Chairman- The Society For The Study Of  Hidden And Forbidden Knowlegdes
Founder- Govinda Jeramaya School For Mystic Arts and Science
Sir GOVINDA JEREMAYA

Bigyang daan natin sa ngayon ang Pahula 141. 

 

Sayo Ms. Scorpio,

          November 18,1988: Gusto mo palang  mag-apply sa PNP pero nasa abroad  ka sa kasalukuyan. Hindi naman mahirap na pagpasyahan ang problema mo dahil ang tanong lang naman ay maganda ba ang  trabaho mo sa ngayon? Dahil  ang tao kaya  kung anu-ano ang gusto ay para  gumanda ang buhay kaya kung maganda na sa abroad ka na lang.

Ang petsa ng araw ng iyong pagsilang ay bagay na bagay sa pag-aabroad, magkaganunman ,ang pagpasok sa kapulisan ay  isang tagong pangarap na mamalaging nasa sayo dahil ang mga nasa Scorpio ay  maaakit sa mga  bagay na iniugnay sa kapulisan, militar at iba pang nakauniform na parang alagad ng batas.

          Ito  ay sa dahilang ang isa sa pinakamabisang lucky charm ng nasa Scorpio ang mga sandata na gawa sa metal. At ang isa pa ay ganundin, ang mga  kasuotan  mala-militar.

          Pero ang higit na  magpapalakas ng iyong magagandang kapalaran ay ang malalim na ambisyon mo sa buhay,ibig sabihin, hindi bagay para sayo ang maliliit lang ang  pangarap sa buhay kaya ang payo ay  mas malaking ambisyon, mas okey para sayo.

                                

Sayo  Sweettie Girl,

         January  31, 1994. Magpapatuloy ang malakas mong  karisma kaya mas dadami pa ang magkakagusto sayo. Kung hindi mo  makokontrol ang sarili mo, ang sabayang pakikipagrelasyon ay  mangyayari sa buhay mo.

Hindi naman masama ang ganoong  pero siyempre, sa iba masama. Ang  tunay na masama ay ang kapag sa sabayang pakikipagrelasyon ay gumulo ang buhay mo kaya kapag  ito na ang nangyayari sayo, atras na, as in,  kontrolin mo ang sarili mo  na awatin mo ang sarili mo sa nasabing sabayang pakikipagrelasyon.

 

Sayo  Delmarie Analyn,

         March 6,1989: Narito ang mga lucky dates mo. Tuwing sasapit ang takdang panahon ng iyong zodiac sign na Pisces ay mapalad ka. Ibig sabihin, lahat ng araw na sakop ng nasabing zodiac sign ay buwenas ka.

        Bago sumapit ang mismong kaarawan ng isang tao, one month before, mapapanasin na niya na siya ay sinusuwerte kaya ang masusuwerte mong petsa ay  mula February  6 hanggang March 6.

          Magkaganunman, ang  masuwerteng mga araw ng bawat tao batay sa araw ng kanyang pagsilang ay umaabot pa sa  kalahatian ng masunod na buwan.

       Suwerte ka rin sa tuwing sasapit ang zodiac sign nasa Sagittarius. Ganundin sa mga petsang 3, 12, 21 at 30 .

       Makakaranas ka rin ng p magagandang kapalaran sa  sa panahon ng mga zodiac sign na Cancer at Scoprio.

Hindi naman  papayag ang zodiac sign na Taurus at Libra na hindi ka mabigyan  ngsuwerte kapag ang mga araw na sakop nila ay  umiiral na. Good Luck and God Bless.

 

Salamat sa pagbasa sa Pahula 141.

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

1 COMMENT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here