PAHULA 14: Iba’t ibang kapalaran

4
600
Sir GOVINDA JEREMAYA

Sir GOVINDA JEREMAYA

Founding Chairman- The Society For The Study Of  Hidden And Forbidden Knowlegdes
Founder- Govinda Jeramaya School For Mystic Arts and Science
Sir GOVINDA JEREMAYA

Latest posts by Sir GOVINDA JEREMAYA (see all)

Bigyang daan natin sa ngayon ang request ni Maria Baby Chavez

Dear Sir Govinda Jeremaya,

            Gusto ko po ipahula kung ano po ang kahulugan ng December 16, 1984 .

                                                     Maria Baby Chavez

 

Sayo Maria Baby Chavez ,

          “Lubusan katuparan ng mga pangarap” ang kahulugan ng December 16, 1984.

          Sa iba, sobrang tuwa na kapag ang kanilang pangarap ay natupad. Marami ang  sumasaya at abot-abot ang pasasalamat kay Lord kapag ang kanilang mga pangarap ay napasakanila.  Marami ring  abot –kamay pa lang ang  tagumpay ay sobra ng nagagalak na para bang walang pagsidlang ang kanilang kaligayahan.

           Pero, ang mga isinilang sa December 16, 1984  ay  lubusan ang katuparan ng kanilang mga pangarap, ibig sabihin, hindi simpleng katuparan kundi lubos-lubos o higit pa sa katuparan ng pangarap ang kanilang maaangkin.

          Paano? Ang mga nasa ika- 16 ay sa pangingibang bansa matutupad ang mga pangarap, kaya sa kabuuan ang mga nasa December 16, 1984 ay sure na sure na mag-aabroad at doon ay lubos na matutupad ang kanilang pangarap. 

Sayo Florabel Mispenas ,

Ang birthday mong January 26 ,1982 ay  nagsasabing maghintay ka lang ay matutupad din ang iyong mga pangarap. Kaya, huwag kang masyadong agresibo dahil kapag naging agresibo ka’y marami ang magsasamantala sayo kaya madadaya ka o maloloko.

Ang  birthday naman ng husband mo ay May 6, 1970 kaya  uunlad ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagnenegosyo na ang mga produkto ay tinatawag na “Fruits of the Earth.” 

 

Sayo Merced Israel-Bandola,

August 2, 1978 ang birthday mo kaya ikaw ay pinapayuhan na  huwag maging sobrang dominante na ang gusto mo ay ikaw ang laging masusunod dahil feel mo na kakaiba ang pagkatao mo na para kang malakas o strong pero sa  totoo, deep inside ikaw ay mahina, iyakin at malungkot.

Ang mga negosyong  may kaugnayan sa kombinasyon ng “apoy at tubig” ay  bagay na bagay sayo kaya sa ganitong klase ng negosyo ka yayaman. Tulad ng coffee shops,  water refiller or mineral drinking water dahil ang tubig na gamit dito ay idinadaan sa mataas na temperatures. Pwedeng –pwede ka rin sa restaurants at karendirya, bakery at iba pa.

 

Sayo Aj Lim ,

May 9 , 1967 na birthday mo ay nagsasabing  ang tagumpay ay mapapasaiyo na ang ibig sabihin ng ”tagumpay” ay panalo sa laban, kaya huwag na huwag mong aatrasan ang mga hamon ng iyong kapalaran dahil ikaw din naman ang mananalo.

May 13, 1985 ang birthday ng husband mo na nagsasabing may lihim siyang lungkot sa buhay at ito ay malalim. Ngayon alam muna ang sekreto ng kanyang kapalaran,  ang pang-unawa sa panig mo ay kailangang-kailangan  na maisabuhay mo.

 

Sayo Acilo Canacana Camelvallery ,

            Sa panig mo habang buhay kayo ng asawa mo dahil sa katotohanang may edad ka kaysa sa kanya dahil sa ikaw ay March 13, 1994 samantalang siya ay April 27, 1991.

            Mag-ingat ka sa mga sakit na may  kaugnayan sa tubig o water dahil sa mga sakit na ganito bumabagsak ang mga nasa zodiac sign na Pisces, at mag –ingat ka rin sa dagat at  ilog dahil binabalaan ang mga tulad mo na may panganib sa lunod.

            Matibay sa sakit ang asawa mo. Ang totoo nga, kusa siyang gumagaling kahit hindi mapatingin sa mga doktor dahil siya ay binayayaan ng tinatawag na KABAL AT KUNAT ng katawan. Kaya rin sobrang haba ng kanyang buhay pero dapat pa rin siyang mag-iingat sa matutulis na bagay.

                              

4 COMMENTS

  1. Pahula din po ako. Gusto ko pong malaman kung ano po ang kahulugan na aking kaarawan Enero 16, 1977. Magkakabalikan po ba kaya kami ng asawa ko? Gaganda din po ba kaya ang buhay ko? Maraming salamat po.

  2. Pahula nga din po ako gusto ko po malaman ang kahulugan ng aming kaarawan ng partner ko ang ang kaarawan ko po ay November 6 1981 ang patrner ko ay February 25 1989 parehas po kaming hiwalay sa asawa,sya iniwan ng Mrs nya at sumama sa iba ako ay iniwan ng Mr.ko sumama sa iba

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here