Pahula 139: Mga dapat tandaan para magkaanak

0
330
Sir GOVINDA JEREMAYA

Sir GOVINDA JEREMAYA

Founding Chairman- The Society For The Study Of  Hidden And Forbidden Knowlegdes
Founder- Govinda Jeramaya School For Mystic Arts and Science
Sir GOVINDA JEREMAYA

Latest posts by Sir GOVINDA JEREMAYA (see all)

Bigyang daan natin sa ngayon ang Pahula 139 

 

Sayo Shiela nanquilada,

Nov.19 ,1990. Sa tanong mong magkakaanak ba kayo ng husband mo, ang sagot ay oo. Narito ang ilang epektibong paraan batay sa petsa ng iyong kapanganakan,na ikaw ay Nov 9, 1990 at ang iyong asawa ay July 1,1990. 

1)     Ang pagtatalik ay dapat na sa panahon na kayo ng mister mo ay masaya. Kaya hindi maganda na magtatalik sa panahon na kayo ay malungkot o may problemang mabibigat. Ito ay sa dahilan  kayong dalawa ay  kapwa The Sun ang astrological planet. 

2)     Ito rin ay nagsasabing   kapag  may maliit na suwerteng sumaiyo, magtalik kayo.  Ang maliit na suwerte ay ang pagtama ng  maliit na halaga nasa kapalaran mo. Minsan,nakatanggap kayo ng mga gifts o masasayang balita,  muli, sa ganitong pagkakataon magtalik kayo. 

3)     Inirerekomenda rin na bago magtalik ay  kailangan ninyo ng ilang sandali na  katahimikan , kumbaga,  hindi maganda na dahil sa biglang naisip niya o biglang nagustuhan ninyo ang magtalik kayo. Ang ibig sabihin ng sandaling katahimikan ay yon , hindi kayo , agresibo. Dapat payapa ang iyong kalooban kahit  pa  nasa isip ninyo na masarap ang magtalik . Kaya kokontrolin muna ninyo ng ilang sadali ang tinatawag na “libog “ o mataas na antas ng libido. 

4)     Dahil ang  iyong zodiac sign ay kapwa Water Elemnet, Scoprio at Cancer ang  payo ay ang   pigilan ang sarili sa mabilisan pagtatalik. Kumbaga, kailangan na  umabot ng matagal bago ang tinatawag na “orgasm.” 

5)     Dahil mahalaga hindi lamang sa iyong kapalaran ang  Water o watery  times na iniugnay sa sex. 

6)     Mahigpit din inirerekomenda na ang damit  ninyo sa panahon ng  pagtatalik ay kulay yellow. Siyempre, walang damit kapag nagtatalik pero mahalagang naka-yellow kayo bago ang pagtatalik. 

Sa  tanong  tungkol sa future ninyo, ang sagot next year ay magkakaanak na kayo at sa 2020 ay magkakaanak ulit kayo. Dahil  hindi bababa sa   4 ang iyong magiging anak. 

Ikaw naman ay pinag-iingat sa mga tukso dahil  noon pa man at hanggang sa ngayon ang mga tukso ay nag-aabang sa landas ng buhay na iyong tinatahak. 

Inirerekomenda rin na  ikaw mismo ang magpapatakbo ng kabuhayan ninyo para mabilis kayong yumaman. Pero,  hindi naman nangangahulugan na   hindi  ka na pwedeng pakialaman ng mister mo sa pagdedesisyon. 

Kumbaga,  ikaw ang magpapatakbo na pagkatapos ninyong magpalitan ng diskasyon kung ano ang maganda at kung ano ang hindi ang  mabubuong pasya ninyo ay ikaw ang magpapatupad o ikaw ang mangunguna. 

          Ipinapayo rin na maglagay kayo ng aquarium sa bahay dahil ang aquarium ay sa sa mabisang pampasuwerte ng mga nasa  Water Sign tulad mismo ninyo ng asawa mo. 

Ang isa rin sa epektibong pampabuwenas ay ang mga larawan ng Isda, ito ang gawin ninyong  pangdekorasyon sa sala at pwede rin sa kusina. Good Luck and God Bless!

 Salamat sa pagbasa sa Pahula 139.

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here