Pahula 137: Alamin ang tamang paraan sa pagpapala-isdaan

0
397
Sir GOVINDA JEREMAYA

Sir GOVINDA JEREMAYA

Founding Chairman- The Society For The Study Of  Hidden And Forbidden Knowlegdes
Founder- Govinda Jeramaya School For Mystic Arts and Science
Sir GOVINDA JEREMAYA

Latest posts by Sir GOVINDA JEREMAYA (see all)

Bigyang daan natin sa ngayon ang Pahula 137.

 

Sayo Ricardo B. ,

          October 15,1980. Sa tanong mong  2 years ng mahina ang harvest ng iyong  fish pond kaya  ano ang  mabuti mong gawin ang sagot ay ang mga sumusunod:

       Simula pa  ng  ang tao ay  nabuhay na sa ibabaw ng mundo, ang  kaalaman na kung tawagin  ay Natural Astrology ay  ginagamit  nila. Kaya nga ang mga tao ay  umunlad sa larangan ng  farming  and fishing.

       Mapatunayan nila na  napahusay ng mga kaalaman sa tinatawag na Lunaryo ng Kapalaran para sa  pangingisda o sa pag-aalaga ng mga isda na kanilang  ibinebenta sa mga pamilihan  o sa mga tindahan ng isda.

      Ganito ang  kasaysayan ng tao  tungkol sa kabuhayan:

     Noong una, namimitas lang ang mga tao ng bunga ng halaman at mga puno, ito ang kanilang paraan para makakain. Magkaganunman ng dumami  na ang mga tao sa isang pamayanan, kailangan nilang  pumunta na sa malayong lugar para makakuha ng bunga ng halaman at punong kahoy.

          Kaya  ang ginawa nila ay ang magtanin ng  mga halaman at bungang-kahoy na kanilang makakain. Ito ang  tinawag Farming, pero hindi lang naman   bunga ng pananiM ang kanilang  kinakain kaya minabuti rin nila na  mag-alaga ng mga hayop  para sa kanilang pagkain, na ang tawag  ay domestic farming.  

          Pero hindi naman  karne lang ang hayop ang kanilang  kinakain at hindi lang bunga ng mga panamin. Kailangan din nila ang mga isda kaya nagsimula na rin ang pagkakaroon ng fishponds o palaisdaan o Fish Farming.

          At dahil  fishpond pala ang iyong pinagkakakitaan, eto ang mga paraan ayon sa Lunaryo ng Kapalaran na may kaugnayan sa paano  ang tamang paraan  para  pagpa-palaisdaan.

          Pagkatapos na anihin ang mga isda, ang mismong  fishpond ay lilinisin. Kumbaga, bago  ang lahat ang kailangan muna ay ang paglilinis ng mismong palaisdaan. Ang paglilinis ng palaisadaan ay itinatapat sa kung kailan ay papaliit ang Buwan o pagkatapos ng Full Moon na papatuyuin ang  buong palaisadahan o alisin ang  tubig ng mga  7 days .

    ‘Pag naisagawa na ang pagpapatuyo ng palaisdaan ay  papasukin naman ang tubig sa palaisdaan  at pananatiliin ang tubig ng  7 days na  wala ilalagay na binhi ng  isda. Pagtapos ng  7 days, ay saka pa lang  ilalagay ang mga binhi ng mga isda.

        Tuwing  ika – 7 days, papalitan ang tubig hanggang sa anihin  na o  hanggang sa  pagha-harvest ng mga isda.

       Pagka-harvest, muling  papatuyuin or aalisan ng tubig ang palaisadaan at muling gagawin ang mga sistema sa pagpa-palaisdaan na nasa itaas na mula sa Lunaryo ng kapalaran.

    Ang Lunaryo ng Kapalaran  ay  makikitang  mismo sa mystical power ng  The Moon ang ginagamit. Kaya nga ang  mga unang salitang “Luna” sa Lunaryo ng Kapalaran ay  nangangahulan ng The Moon, kumbaga, ang “Luna” ay ang mismong The Moon.

      Kaya  ito ay tinatawag na kalendaryo dahil  sa  tulad ito ng kalendaryo na ating ginagamit na nakasabit sa dingding ng ating bahay. Kaya nga  hindi naman mahirap malaman ang kung kailan ang Full Moon at ang iba pang  tinatawag na “the phases of the moon” dahil ito ay makikita mismo sa kalendaryo na gamit-gamit natin.

     Sundin mo ang  payo mula sa Lunaryo ng Kapalaran  para sa pagpa-palaisdaan ng gumanda ang kita niyo sa inyong  fishponds. Good Luck and God Bless.

Salamat sa pagbasa sa Pahula 137.

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here