Pahula 135: May kakayahang magparami

Bigyang daan natin sa ngayon ang Pahula 135.

 

Sayo Vilma ,

          April  14 ,1972. Taglay mo ang kakayahang paramihin ang  nasa sa’yo na. Ang  katangian mong ito ay itinuturing  ding isang malakas na  agimat o vertud. Kumbaga,  kalimutan mo muna na ang agimat at vertud ay para lang sa mga bagay –bagay tulad ng medalyon .

Ang totoo nga,Vilma , ang  alam mong medalyon ay  metal o bagay lang na ang mga ito ay may katumbas na power o kapangyarihan.  Kaya nga kung metal lang o simpleng medalyon lang, walang bisa ang mga ito kung walang  katumbas na power.   Kumbaga , ang  power ang mismong mahalaga hindi ang metal na medalyon.

Muli, taglay mo ang isang very powerful na espeyal na katangian na “maparami mo ang anumang nasa sa’yo,”  sa simpleng salita ay “Pagpaparami.”

Dahil  dito, ikaw ay  hinihikayat na paramihin mo ang pera mo o kabuhayan mo. Siyempre, kung ano muna ang nasasaiyo na.

Kung pera,  okey lang na maliit ang halaga, ito ay iyong paramihan at tiyak na darami ito at darami ng darami  hanggang sa gusto mong paramihin.  Ito ay  madali mong magagawa sa pamamagitan ng pagnenegosyo .

Pwedeng –pwede rin na  ipautang mo na  may  tubo o interes. Ganoon lang kasimple ang  pormula ng iyong  masagana at  mayamang pamumuhay.

Ang iyong mister na ang  date  of birth ay July  10, 1966 ay mahina ang loob kaya  hindi man gaanong  kagandahang payo, dapat na ikaw ang masusunod o magdedesisyon sa inyo at hindi siya. Magkaganunman, para  wala kang gaanong problema pakinggan  mo rin siya kumbaga, hindi maganda na basta –basta ka na lang kikilos na  hindi nila alam.

Mahina man ang  loob ni mister may isang  napakasuwerteng balita para sa’yo at para rin sa kanya na nagsasabing, sa totoo lang, medyo mahirap mo nga lang paniwalaan ay “ang mister mo mismo ay ang iyong lucky charm.”

Kumbaga  kaya ka susuwertihin sa buhay ay dahil sa kanya. Nakakatuwa ang  masayang balitang ito, dahil  kahit ang mister mo  ay magugulat kapag ibinalita mo sa kanya ang nasabing  katotohanan,pero, siyempre, sasabihin niya, “totoong masuwerte ka sa kanya.”

Ang isa pang weakness ni Mister ay siya ay mapag-alinlangan  na ang kanyang  personalidad ay negatibo,.as in, siya ay isang taong negatibo.           Mahirap  baguhin ang  ganitong  katangian  pero kung lagi mong sasabihin sa kanya na siya ang iyong  lucky charm , magugulat ka at baka hindi  ka makapaniwala na  siya ay maging isang taong positibo.

Dahil  siya ay magkakaroon ng tiwala sa kanyang sarili ay mailalabas na niya ang kanyang mga magagandang pananaw sa buhay na noon ay tinatalo ng  kanyang  mahinang personalidad.

Dahil alam mo na ang sekreto ng  kapalaran ninyong mag-asawa, makakaasa kang mapapabilis pa ang iyong pagyaman, muli , sa paggamit mo ang iyong espesyal na katangian na “Pagpaparami.”

Ang “pagpaparami” ay hindi simpleng pagdadagdag lang, kundi  pagmu-multiply.

Good Luck and God Bless.

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

More Tanong mo Sagot ko