PAHULA 13: Ang taong may makapangyarihang damdamin

2
562
Sir GOVINDA JEREMAYA

Sir GOVINDA JEREMAYA

Founding Chairman- The Society For The Study Of  Hidden And Forbidden Knowlegdes
Founder- Govinda Jeramaya School For Mystic Arts and Science
Sir GOVINDA JEREMAYA

Latest posts by Sir GOVINDA JEREMAYA (see all)

Bigyang daan natin sa ngayon ang request ni Michelle  Angeles.

 

Dear Sir Govinda Jeremaya,

          June 20, 1991 po ang aking kaarawan.  Gusto ko lang pong malaman kung magiging maganda ba ang kapalaran ko ngayong taon.

                                                    Michelle

 

Sayo Michelle,

Dahil ang  date of your birthday  20th , ikaw ay kabilang sa tinatawag na Taong Dos at gamit ang kaalaman sa panghuhula na Numerology ay  naghahari sayo ay ang  Astrological Planet na The Moon. 

       Ang mga Taong Dos  ay  maramdamin dahil ang emosyon ang kanilang sinusunod.  Ito ay dahil na rin sa ang Buwan at ang Damdamin, sa totoo lang ay magkasingkahulugan  sa diksyunaryo ng Numerology. 

Walang katapusan ang  padedebate kung ano ba talaga ang dapat na sundin ng tao, ang kanya bang isip o ang kanyang damdamin? Umuubos ng maraming oras sa pagtatalo  pero wala rin namang  manalo kahit isa dahil sa wala ring namang  katapusan ang usapan. 

Isip o Damdamin?  Sa mga Taong Dos na mga tinatawag ding mga “Anak Ng Buwan” hindi na kailangan pa ang mahabang usapan dahil tulad ng nasabi na damdamin ang sa kanila o sayo ay naghahari. 

       “Naghahari” ibig sabihin, makapangyarihan. Ang makapangyarihan ay sobrang malakas kaya ang  ang damdamin ng mga Taong Dos ay sobrang malakas kaya rin naman ang salitang “Kutob”, sa totoo lang, ay para lang sa inyo. 

       Mapapansin mo na nakukutuban mo agad ang motibo ng isang kaharap kaya ikaw ay nakakaiwas sa mga taong magtatangkang isahan ka o malamangan pero  ito ay nangyayari lang kapag  pinakinggan mo ang “Kutob” mo. 

        Ang isa pang kakaiba sayo ay ang may kakayahang kang makita ang mga nasa kabilang dimensions. Yon mga hindi nakikita ng iba ay nakikita mo. Dahil dito nakakahanga ang iyong personalidad, nabiyayaan ka ng ganitong  kapangyarihan.

 

        Pwede mong magamit sa panggagamot kumbaga, may kakayahan ka ring pagalingin ang mga may karamdaman. 

Pero ang tunay na nakakahanga sayo ay ang pagiging sobra mong  maawain. At dahil maawain ka, ibinabalita ko sayo na natutuwa si God sa mga taong maawain sa kapwa kaya naman ang kanila  o ang iyong mga kahilingan ang unang pinakikinggan. 

Ito rin ay nagsasabing sobrang malakas ka kay God kaya magtiwala ka kahit kailan  at kahit nasaan ka man o kahit ano ka pa, ang ikaw ay pagpapalain. Ang mga biyaya ng langit ay mapapasaiyo. 

Huwag kang magsasawa na tulungan ang mga kapuspalad dahil si God ay hindi nagsasawa na ipakita sayo at ipadama ang kanyang pagmamahal. 

Umasa kang ang lahat ng iyong pagsasakripisyo ay hindi mauuwi sa wala dahil si God mismo ang magbibigay sayo ng gantimpala. Kaya nga kung gusto mo rin lang ay ang yaman, ibigay sayo. Gusto mo ba? Alam ko ang sagot mo, ayaw mo ng yaman dahil ang talagang gusto mo ay kaligayahan. Mapapasaiyo ba? Siyempre ‘oo, dahil muli, sobrang malakas ka sa nasa Itaas kaya ikaw ay pagkakalooban ng buhay na punung-puno ng kaligayahan.

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

 

2 COMMENTS

  1. Hello po. Pangalawang message ko na po eto. Sana sa pgkkataong eto ngaun ay mapansin na po plsss. May 4, 1985 po ang birthday ko.. Kailan po kya magiging malusog ang kapalaran ko? Tsaka kailan po ako seswertehin sa pera,? Totoo po kya ung sabi ng iba na may biglang malaking swerte na darating sa akin? Tsaka anu po kya ang magiging kapalaran ko? Sna po mapansin nyo po ang message ko. Maraming Salamat Po.

  2. hello po magandang tanghali po…tanong ko lang po kung anung magiging kapalaran ko.ako po si SHERYL VALDERRAMA ipinanganak noong SEPTEMBER 27 1987…salamat po…

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here