Pahula 120: Alamin ang masuwerte mong kulay

Sir GOVINDA JEREMAYA
Latest posts by Sir GOVINDA JEREMAYA (see all)

Bigyang daan natin sa ngayon ang Pahula 120

 

Sayo Rchel,

Ang tanong mong bakit ba ang pakiramdam mo ay malas ang buhay mo  ay sinasagot sa ganitong katotohanan.

Hindi dahil sa ang pakiramdam ng tao ay malas siya, ay malas na nga siya. Dahil ang totoo, walang karapatan ng sinuman ng magsabi ng kung ano ba talaga ang nangyayari sa kanyang kapalaran.

Ito ay sa dahil ang diksyunaryo ng tao ay  hindi ang diksyunaryo ng langit. Kumbaga, may pangit sa paningin ng tao pero sa langit ang sinasabi niyang pangit ay para pala sa ikagaganda ng kanyang buhay.

Madalas, sobrang magkaiba ang tao at ang langit.

Sa tao, ayaw na ayaw nila ng madilim , masikip at mahirap na lakarang landas ng buhay.  Dahil akala nila , hindi maganda at malas ang lumakad sa nasabing  landas ng buhay pero ano ba ang sabi ng langit  tungkol sa masikip, madilim, madawag at mahirap lakaran na landas ng buhay?

Ang sabi mismo ni Lord Jesus Christ, ang daang inaayawan ng marami ay ang daan ng kaligtasan. At ang daan na madaling  lakaran ay daan ng kapahamakan.

Ganundin , ang akala ng tao na kamalasan ay  papunta pa la sa magandang kinabukasan. Dahil dito ang payo para sa iyo ay “ Hold On ,  Great Things Are Coming !”

 

Sayo  Lanie ng Lanie_Ceilo@facebook.com.

         July  10, 1994. Pansamantala lang ang  mga  hindi magagandang pangyayari sa buhay mo dahil ayon sa kapalaran mo sa pagpasok ng month of August 2018, ang  buhay mo ay makikitang papaganda ng papaganda at matatanaw mo na rin ang  katuparan ng iyong mga pangarap.

 

Sayo Libra ng Libra_Gurl@facebook.com ,

          October 6,1998.   Mahirap talagang kalimutan ang taong minamahal ng labis pero kailangan matanggap mo na dito sa mundo ang lahat ay may hangganan o katapusan.

Pero huwag kang mawalan ng pag-asa dahil sa bawat katapusan ay may panabagong simula,ibig sabihin,  kung matatanggap mo na tapos na ang lahat , bubukas sa kapalaran mo ang bagong pag-ibig na kung saan ay liligaya ka na at   mararanasan muna na rin ang isang pagmamahalan na ang bawat isa ay nagmamahalan , hindi tulad sa kwento ng iyong lovelife na ayon sa’yo ay ikaw lang ang nagmamahal at hirap ka na rin sa iyong pagsasakripisyo.

Pero hanggang sa hindi tanggap ng tao na tapos na ang isang kabanata sa kanyang buhay, patuloy siyang mahihirapan. Kaya muli, ang payo,  tanggapin mo na tapos ang paghihirap mo ng sa ganun ay mabuhay ka na ng masaya at maligaya sa bagong pag-ibig mo.

 

Sayo Ronald ng Ronald_DeGuia@facebook.com ,

Green ang isa sa lucky  colors mo, kaya,  mas madalas na naka-green ka susuwertihin ka.  Pwede rin ang yellow, white, violet at  purple.

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

More Tanong mo Sagot ko

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here