Pahula 119: Kahit pa suwerte sa sugal

0
553
Sir GOVINDA JEREMAYA

Sir GOVINDA JEREMAYA

Founding Chairman- The Society For The Study Of  Hidden And Forbidden Knowlegdes
Founder- Govinda Jeramaya School For Mystic Arts and Science
Sir GOVINDA JEREMAYA

Latest posts by Sir GOVINDA JEREMAYA (see all)

Bigyang daan natin sa ngayon ang Pahula 119.

 

Sayo Mhae Tolentino ,

November 9, 1973. Narito ang astrological readings sa kapalaran mo:

           This year, 2018 , magpapatuloy ang pakiramdam mo na parang hindi umuusad ang buhay mo pero sa mga panahong ito, ang totoo ay nagsisikuha ng buwelo ang mga suwerte mo.

          Kapag sinasabing kumukuha ng buwelo ito ay inilalarawan, “ng isang martilyo na umaatras muna bago  maibaon ang pako.”

          Sa year 2019,  madadama muna ang magandang takbo ng mga pangyayari  dahil maraming magagandang oportunidad ang lalagay sayong harapan. Ang totoo nga, mahihirapan kang pumili kung ano ang iyong susunggaban pero ang isa pang totoo kahit ano sa mga ito ay  tiyak na tiyak din namang magbibigay saiyo ng pag-asenso.

          Sa year 2020,  malilito ka dahil ang mga bagong pag-ibig ay makikitang nag-aabang sa landas ng iyong buhay. Huwag kang mag-aalala dahil wala namang  mangyayari sa buhay mo na magpapaatras sa pagsulong mo.

           Ibig sabihin,  umibig ka man o hindi, walang talab sa pangkalahatang magandang takbo ng kapalaran mo.

           Ang  iba pang mga years na na malayong hinaharap  ay   hindi muna natin pag-uusapan. Ang mahalaga ay ang ipanatag mo ang iyong sarili at umasa ka na ang langit ay hindi ka pabayaaan sa mundo ng kalungkutan at kawalang pag-unlad.

 Sayo Lina Dulay Escarez,

          June 4 1978. Suwerte ka sa sugal. Kahit sa totoo lang ,bawal magsugal pero bilang isang katuwaan, subukan mong magsugal tiyak na makakatikim ka ng kamangha-manghang panalo.

          Kaya lang muli, bawal ang sugal kaya ang inirerekomenda ay  ang isugal mo ang kapalaran sa larangan ng pagnenegosyo,.tiyak na tiyak na yayaman ka at ang magiging yaman mo ay katumbas ng maraming jackpot.

 

Pero, kailan ka ba magsusugal  para ang ating katuwaan para ang iyong panalo ay matikman?

1)     Sa mga araw na  may naiinggit sayo.

2)     Sa mga panahon na may umaway sayo.

3)     Sa mga araw na inaakala mong walang nakakauanawa sayo.

4)     Kapag  nakaranas ka ng kabiguan sa lovelife o sa anumang larangan.

5)     Kapag  nadama mong ang buhay mo ay  nasa kadiliman.

6)     Kapag feel mo na ikaw ay nag-iisa lang.

7)     Kapag hindi ka matawa , hindi  ka makangiti at ang lungkot ay  mukhang naghahari sayo, magsugal ka at tiyak na ikaw  ay mananalo. 

Good Luck and God Bless.

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here