Pahula 108: Yayaman ka

0
292
Sir GOVINDA JEREMAYA

Sir GOVINDA JEREMAYA

Founding Chairman- The Society For The Study Of  Hidden And Forbidden Knowlegdes
Founder- Govinda Jeramaya School For Mystic Arts and Science
Sir GOVINDA JEREMAYA

Latest posts by Sir GOVINDA JEREMAYA (see all)

Bigyang daan natin sa ngayon ang Pahula 108.

 

Sayo Romeo R. Cabañelez,

          September 9, 1966. Ang dalawang  powerful astrological planets ay nasa iyong kapalaran. Kaya ikaw ay inaasahan ng magiging makapangyarihan o  powerful .

          At ang iyong  kakaibang buwenas dahil dito ay  mararanasan mo sa larangan ng komersyo. Dahil ang mismong kapalaran ang magtutulak sayo para magnegosyo. Hindi ng malilit  na negosyo kundi ng malalaking negosyo na malalaki rin ang iyong kikitain.

          Kaya yayaman ka at ang yaman mo ay masasabing hindi mo kayang bilangin na mag-isa ka lang dahil ikaw ay makikitang  mas mayaman pa kaysa sa pangkaraniwang mayaman.

          Kasabay ng pagyaman mo, darami ang mga maiinggit sayo  mula sa maraming  taong  iyong  tinalo sa larangan ng pagnenegosyo dahil madadama nila na parang  nakakahigit ka sa kanila gayung sila rin naman  ay nagsisikap .

          Ang iba, maiinggit sayo  dahil mas nauna sila pero sila’y nalagpasan mo. May mga inggit din sayo na parang mga naagawan mo ng mga suwerte dahil ang kanilang mga suwerte ay masasabing nalipat na  lahat sayo.

      Pero hindi lamang  sila ay inggit sayo dahil nagbabala rin ang iyong kapalaran na ang mismong  mga kaibigan ay magkakaroon din ng inggit sayo. At ipinauuna na ang mga mahal mo sa buhay ay hindi rin maiiwasang  sayo ay maiinggit .

       Dahil nga, kainggit-inggit ang  buhay mo.

                             

Sayo Louise Casabal Alvarez,

     March 18, 1982 po b-day ko at ang asawa ko Dec. 25, 1980. Sa tanong mong ano ba ang kapalaran ninyo this year ang sagot ay ang mga sumusunod:

      Mula ngayon month of June, papaganda na ang buhay ninyo , kumbaga, matatapos na ang mga pangyayaring  sayo ay gumigipit ng husto.

      Sa month of July, makakaranas kayo ng problema sa pagsasama magkaganunman ito ay pansamantala lang dahil kusa rin namang aayusin ng inyong kapalaran ang sitwasyon.

      Sa  month of August, mayayanig muli ang inyong relasyon na kung  hindi kayo kakapit sa inyong mga ginawang “Promise of Love” noong kayo  ay bago pa lang, hihina ang cord of love nasa inyo’y nagtatali.

       Sa month of September, gaganda muli ang  takbo ng  pananalapi lalo na sayong panig, magkaganunanmn magpapatuloy ang  problema sa sariling  pamilya na para bang  hindi ka nila mauuawaan at sila lang ang dapat mong unawain.

         Ang ganitong  pangyayari ay  magreresulta sa pagkakaroon ng papalaking agwat saiyo at sa pamilya mo. Ayon sa kapalaran mo, kahit naman marami kang personal na suliranin, magpapatuloy pa rin naman ang pagganda ng sarili mong buhay.

         Mapapansin ang  mga kahinaan ng iyong asawa, na noon pa man ay alam muna kaya lang habang lumalakad ang mga panahon, hindi maiiwasang  paparami ayon sayo ang kanyang mga kapintasan.

Sa pagtatapos ng year 2018, maiiwan sa iyo ang personal na katanungan sa buhay mo na , “Nasa ba ang tunay mong kaligayahan?”

       Sa pagpasok ng   year 2019, makakadama ka na bago na ang mundo mo at nakaharap ka sa mga bagong pakikipagsapalaran na kung saan ay  malaya kang  nagagawa ang mga bagay na magpapasaya sayo.

    Good Luck and God Bless.

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here