Pahula 106: Habang may buhay lang makakasama si Labs

0
142
Sir GOVINDA JEREMAYA

Sir GOVINDA JEREMAYA

Founding Chairman- The Society For The Study Of  Hidden And Forbidden Knowlegdes
Founder- Govinda Jeramaya School For Mystic Arts and Science
Sir GOVINDA JEREMAYA

Latest posts by Sir GOVINDA JEREMAYA (see all)

Bigyang daan natin sa ngayon ang Pahula 106.

 

Sayo Medelyn Ortiz,

       March  12, 1961. Sa tanong mong makapag-aasawa ka pa ba uli, ang sagot ay ‘oo’, ikaw ay muling makapag-aasawa . Sa tanong na mabait ba siya ang sagot ay  pumili ka ng nasa Earth Signs tulad ng Taurus, Virgo at Capricorn. Dahil na sa mga zodiac  signs na ito ang  mabait na asawa.

Sa tanong mong   pwede mo bang makasama habang buhay ang nasa September 4,1944 ang sagot ay ‘hindi’ dahil  mas mauuna siya sa’yo kaya hindi mo siya makakasama habambuhay  pero  makakasama mo siya habang buhay pa siya.

Simple lang naman kasi ang  katotohanan sa ganyang tanong  na nagsasabing almost imposible na sabay mamatay ang magkarelasyon  na ang malinaw may mauuna at may maiiwan. Kaya ang habang buhay pa na pagsasama ay sobrang malabong  magkaroon ng katuparan dahil nga sa maiiwan, hindi na niya makakasama sa buong buhay niya ang  nauna sa kanya.

 

Sa’yo Ronalyn Atole,

    January 31, 1989. Ang iyong zodiac sign na Aquarius ay isang Air Sign kaya  tiyak na tiyak na makakapag-abroad ka at ang isa pang sure na sure ay hindi lang isang bansa ang mapupuntahan mo kundi maraming-marami .

Ang isa pang totoo , hindi ka nakakatagal ng mahabang oras sa loob ng bahay ninyo  dahil mas  gusto mong lagi kang nasa labas. Kaya nga  hindi maiwasan na masabihan ka na ikaw ay “layas” or layas ng layas na ang simpleng kahulugan ay mas gusto mo ang maglakwatsa kaysa sa gawaing pambahay.

Punong-puno ng pakikipagsapalaran ang buhay mo dahil para mas masaya ka kapag  nakikipagsapalaran ka . Kaya nga kapag wala ng galaw ang sarili mong buhay  ikaw na mismo hindi sinasadyang  ginagalaw mo ang mga pangyayari na ang ibig sabihin kapag nababagot ka na ang mga pangyayari na paulit-ulit na lang ay hindi na nakakapagbigay sa’yo ng saya,  naghanap ka ng iba.

Dahil ang   sekreto ng kapalaran mo ay nagsasabing “ Kung saan ka masaya  doon ka! At kapag wala ng saya ,ayaw muna!”

Dahil dito , ikaw ay pinapayuhan na  huwag mong ganap nakalimutan ang mga minsang nagpasaya sa buhay mo dahil sa ibang panahon pwede pa rin namang sa kanila mo makita ang iyong saya na  muli pa pala kayong sasaya .

Ganundin , ang mga suwerte ayon sa kapalaran mo ay pabalik-balik lang din sa buhay mo na ang payo ay  ganundin, ingatan mo rin ang mga taong minsang sa’yo ay nagbigay ng suwerte dahil sa ibang araw pwede  pa ring muli kang makakuha ng mga suwerte sa kanila.

Kaya nga ang isa pa sa sekreto ng kapalaran mo ay  tandaan mo ang mga araw na binuwenas ka dahil  muling bubuwenasin ka sa muling pagbabalik ng mga petsang sinuwerte ka.

Ganundin sa mga numero kung ano ang nagbigay sa’yo ng panalo. Sa ibang araw , ang mga numero din iyo ang magbibigay saiyo ng panalo.

Good Luck and God Bless.

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here