Pahula 102: Mga tips na dapat tandaan

Sir GOVINDA JEREMAYA

Founding Chairman- The Society For The Study Of  Hidden And Forbidden Knowlegdes
Founder- Govinda Jeramaya School For Mystic Arts and Science
Sir GOVINDA JEREMAYA

Latest posts by Sir GOVINDA JEREMAYA (see all)

Bigyang daan natin sa ngayon ang Pahula 102.

 

Sayo Ruthzel,

        April 12, 1990 at Sept. 28, 1988. Sa tanong mong, “kung ano po ba ang daloy ng kapalaran namin?” Ang sagot ay  patuloy na dadaloy sa buhay ninyo ang magagandang kapalaran. Dahil  dito ,patuloy din na kainggitan kayo ng mga taong malalapit sa inyo  dahil  ayon sa kanila,  bakit mas masuwerte kayo kaysa sa kanila? Ito ay lihim lang, hindi naman ninyo malalaman na ganun nga sila saiyo  kaya lang  hindi rin maiiwasan na paminsan-minsan ay mahahalata ninyo na sila’y inggit na inggit sa inyo.

Narito ang  ilang  bagay na  dapat na  ilagay ninyo sa iyong puso’t isipan:

1)     Ang kinaiinggitan ay  hindi dapat na magalit,  mainis o mabuwisit sa nainggit.

2)     Mas magandang   huwag na lang kumibo  dahil  totoo lang naman talaga na na ang kiinggitan ay nakakahigit sa naiinggit.

3)      Lalo na sa mga mahal mo sa buhay na mga  kapamilya at mga kaanak, sila rin ang numero unong  sayo ay mainggit. At dahil  hindi naman sila iba sa inyo dahil nga mga kaanak ninyo sila, huwag na lang ninyong  papatulan dahil muli , may basehan kung bakit sila sa inyo ay naiiinggit.

4)     Maganda rin na ipasok mo sa isip mo na  habang ang tao ay may inggit sa kanyang puso lalo pumapangit ang kanyang buhay dahil nalalason ng inggit ang kanyang pagkatao.

5)     Ang inggit ay isang lason na sisira sa diskarte ng isang tao na ang  resulta ay lalo siyang mamamali ng pagkilos at pag-iisip. Hindi lang ito ang masamang epekto ng inggit sa tao siya rin ay papangit.

6)     Oo , Ruthzel, ang inggit ay nakakapangit. Parang mahirap paniwalaan ang  katotohanang ito pero ito ay  ang mismong nangyari kay Lucifer na siyang pinakamagandang angel sa langit. Nainggit siya kay God, ngayon siya ay si Satanas na na inilalarawan ng sobrang pangit na  na imahe.

7)      Oo,  ang mismong  larawan ni Satanas ay  talagang  pangit  na pwede mo bang  makita  kung hahanapin mo o magreresearch ka . Matigas ang mukha, napakapangit ng  noo, may sungay pa, mahaba ang dila, may buntot, ang paa ay paa ng hayop na para sa kambing na  mahirap paniwalaan na siya ay si Lucifer na sobrang maganda sa lahat ng mga anghel sa langit.

8)     Dahil dito, iwasan mo rin mainggit sa mga taong sayo ay nakakahigit dahil baka matulad ka  sa pangit na kapalaran ng sayo ay mga naiinggit.

 

Sayo Christian,

      January 8, 1992. Ang negosyong mapapayaman sayo ay ang Bigasan. Ang tunay na sekreto  ng isang negosyong nagbibigay ng yaman sa tao ay ang mas mura ang kanyang produkto kaysa sa kanyang mga  kakumpitensa. Mas mabait siya kaysa sa mga  may negosyo rin na tulad ng sa kanya. Ibig sabihin ng mas mabait ay  masaya siyang nakikipagtsikahan sa kanyang mga  costumers.

    Dito sa huling pormula , bibihira ang nakakasunod dahil ang pangkaraniwan ay  binebantahan lang at tapos ay aalis na ang bumili na para bang  hindi naman talaga magkakilala ang suki at ang mayari.

          Pero sa mga negosyong  patuloy na umaasenso na ang  mayari ay  papayaman ay makikitang  nakikipagkwentuhan sa kanyang mga suki.

           Good Luck and God Bless.

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

SHARE
Previous articleOnline Horoscope Hunyo 7 2018
Next articleTanong mo Sagot ko June 6
Founding Chairman- The Society For The Study Of  Hidden And Forbidden Knowlegdes Founder- Govinda Jeramaya School For Mystic Arts and Science

1 COMMENT

  1. Matutuloy po ba bentahan ng property ko sa present buyer ko this year? Or sa ibang buyer po mabebenta property ko? Matatanggap po kaya kami ng GF ko sa insurance company sa Canada? Matutulungan po kaya ako ng tita ko nasa Canada makapag-work sa Canada? Faithful po ba GF ko sakin kahit marami nagkakagusto sa kanya at hindi kami lagi magkasundo? February 24, 1969 po ako at October 7, 1974 GF ko.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here