PAHULA 10: Ang katotohanan tungkol sa zodiac sign na Cancer

5
1622
Sir GOVINDA JEREMAYA

Sir GOVINDA JEREMAYA

Founding Chairman- The Society For The Study Of  Hidden And Forbidden Knowlegdes
Founder- Govinda Jeramaya School For Mystic Arts and Science
Sir GOVINDA JEREMAYA

Latest posts by Sir GOVINDA JEREMAYA (see all)

Bigyang daan natin sa ngayon ang request ni Buri Laurio Mitra Lyn .

 

Dear Sir Govinda Jeremaya,

           Pahula po ako. July 2, 1983  birthday ko.

                               Buri Laurio Mitra Lyn

 

Sayo Buri Laurio Mitra Lyn , 

Ang iyong zodiac sign ay Cancer  at ito ay isa sa Water Signs, ang  Ruling Planet ng Cancer ay ang The Moon.  Sa ganitong katotohanang buksan natin sa ngayon ang sekreto ng iyong kapalaran.

 

Dahil ang water ang iyong tinatawag na astrological element, ibinabalita ko sayo na ang tubig ay iniuugnay sa damdamin. Kaya nga sa lahat ng klase ng tao, maramdamin ang mga nasa Cancer. Kumbaga, masyadong malakas ang kanilang damdamin. 

     Masyadong malakas ang kanilang damdamin, kahit nga ang isip o dikta  ng isipan ay hindi nila sinusunod. Ang totoo nga, kahit na sino magulang, kapatid at matatalik na kaibigan kapag ang damdamin na nila ang involve, wala silang paki. 

At dahil nga sa pinaghaharian sila ng kanilang damdamin, sila rin, mahirap nga lang paniwalaan  ay nagtataglay ng sobra ring malakas na kutob. Kutob ang  gumagabay sa kanila lalo na kapag sila ay nahaharap sa maselang  pangyayari. 

      Lagi naman tama ang kanilang kutob. Hindi naman namamali ang sinasabi ng kanilang kutob kaya nga  kapag sila ay kinutuban, ibig sabihin, alam na nila ang nangyayaring katotohanan. 

At dahil ang ruling planet ng Cancer ay ang The Moon, lahat ng may kaugnayan sa The Moon ay para sa kanila. At dahil ang The Moon ay  may malakas na magnet  sa mga nasa lupa, ang mga nasa Cancer ay malakas din ang  personal magnetism. 

Gayuma. Oo, gayuma ang magnetism kapag sa tao pinatutungkol. Dahil dito ang mga nasa Cancer ay nakagagayuma higit kaninuman. 

Sino ba naman ang may ayaw sa gayuma? Ang  totoo, lahat ang gusto ay may gayuma sila dahil hindi naman sa pag-ibig nagagamit ang gayuma, dahil ang isa pang  porma ng gayuma ay ang karisma. 

Na ang karisma kapag mayroon ang isang tao, lahat ng ibenta niya ay magugustuhan kahit pa ang produkto o bagay ay hindi naman totoong maganda. Kaya nga  magiging very successful ang mga nasa Cancer, ikaw mismo,Buri Laurio Mitra Lyn, sa pagbebenta o pagtitinda. 

Gamitin ang malakas mong gayuma sa taong gustong –gusto mo pero ang karisma mo ay mas magandang gamitin sa negosyo. 

          Eh, ang tungkol sa lovelife, kailan mo kaya mami-meet ang iyong  tunay na pag-ibig? Kelan pa nga ba, kundi sa araw na  ang The Moon ay nasa kanyang Full Moon.  Sa Full Moon din, ibinabalita ko sayo na nasa todong lakas ang powers mo. Kaya malaking  tulong sayo, kung alam mo kung kailang magaganap ang mga Full Moon. 

     Ang sabi, Knowledge Is Power. Dahil  dito bilang panghuli. Ingatan mo’t gamitin lang sa mabuti ang mga katotohanan na iyong nalaman.

                        

SHARE
Previous articleHoroscope, Pebrero 20, 2018
Next articleSumpa sa US: Ugat ng karahasan
Founding Chairman- The Society For The Study Of  Hidden And Forbidden Knowlegdes Founder- Govinda Jeramaya School For Mystic Arts and Science

5 COMMENTS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here