Pagsusuri sa Panukalang Jeepney Phaseout

691
PhilippineOne article on jeepney phaseout in Philippines

Denise Gozun

Aktibong miyembro ng lipunan na may mataas na pangarap para sa bayan. Bilang kabataang umaako sa kanyang responsibilidad bilang mabuting mamamayan, sa pamamagitan ng pagsusulat ay nagnanais itong makatulong sa reporma tungo sa pangkalahatang pag-unlad.

Latest posts by Denise Gozun (see all)

Malaking bahagi ang jeepney sa kultura ng Pilipinas. Hindi lamang ito isa sa mga pangunahing paraan ng pampublikong transportasyon. Higit sa lahat, sinisimbolo nito ang pagkamalikhain nating mga Pilipino pagdating sa paghahanap ng solusyon sa ating mga problema. Ngunit sa bagong panukala ng administrasyong Duterte, ang jeepney phaseout, isang malaking katanungan ngayon kung maaabutan pa ng susunod na henerasyon ang hari ng kalsada.

Nitong Enero, sinimulan na ang pag-phase out ng mga lumang jeepney. Ayon sa mga kinauukulan, nararapat lamang ito upang pangalagaan hindi lamang ang kalikasan kundi maging na rin ang kalusugan ng mga pasahero. Ito rin ay upang siguraduhin ang kaligtasan ng mga motorista, lalong-lalo na ng ating mga dakilang jeepney drayber.

Ito ang unang bahagi ng planong jeepney modernization ng gobyerno. Binibigyang daan ng panukalang ito ang paggamit ng mga makabagong jeepney— malayong-malayo na sa tradisyonal na Sarao. Ang mga unit na ito ay walang masamang epekto sa kalikasan— environmental-friendly, ika nga nila. Kumpleto ang mga gamit ng mga makabagong jeepney, nangangakong hinding-hindi ikukompromiso ang isang ligtas na biyahe.

Sang-ayon ako sa ipinaglalaban ng panukalang ito. Naniniwala ako na ang mga jeepney na bumibiyahe na nang higit sa 15 taon ay delikado na para sa ating lahat. Tama lang na isabatas ang istriktong regulasyon sa ating pangunahing pampublikong transportasyon. Ngunit… handa na ba talaga tayo para sa malawakang pagbabagong ito?

Simula nang hulihin at patigilin sa pasada ang mga drayber na nagmamaneho pa rin ng mga jeepney’ng hindi naaayon sa mga kinakailangan, hirap na hirap ang mga commuter sa pagbiyahe. Alam ko ito dahil halos araw-araw ko itong nararanasan noong Enero. Ang pagdidyip ang pinakapraktikal na paraan upang makarating ako sa paaralan. Sa kakulangan ng mga pumapasada, napipilitan akong magtren o gumamit ng mga ride-hailing services. Aminin natin, ang tipikal na manggagawang Pinoy na kumikita ng minimum wage ay hindi kayang sustentuhan ang ganitong pang-araw-araw na transportasyon.

Ngayon, bakit hindi na nga lang ba bumili ng mga bagong jeepney ang mga drayber? Hindi ganoon kadali ‘yon. Ang isang bagong yunit ng Sarao ay milyong piso ang halaga habang ang mga modernong yunit ay nasa P20 milyon. Handa mang magpautang ang gobyerno sa kanila, hindi rin matutustusan ng programang ito ang pangangailangan ng ating mga drayber. Sa madaling salita, mababaon sila sa utang gayong magkano lamang din ang kanilang kinikita sa araw-araw. Karamihan sa kanila ay sakto lamang nakapaghahapag ng pagkain para sa kanilang mga pamilya.

Kung tapat ang intensyon ng gobyerno at gusto talaga nitong suportahan ang inklusibong pag-unlad, hindi dapat nito ipinapasa ang bigat sa mga tipikal na manggagawa. Dapat ay pagtuunan ng pansin ang iba pang aspeto ng problema upang ang lahat ay makinabang sa progreso.

More Jeepney articles

More Denise Guzon articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here