PAGPAPAKITA NG JERSEY DEVIL, SENYALES NG DIGMAANG DARATING

0
133
Ravenson Biason

Ravenson Biason

Ravenson Biason:Writer/Novelist/ Blogger/ Artist/ Composer/Cartoonist
Ravenson Biason

May isang nagpapatotoo na ang New Jersey Devil ay isang ibon ay si Mrs. Cassidy ng Clayton. Aniya, ang pag-atakeng ginagawa ng JD ay isa umanong inbasyon ng scrowfoor ducks at mas maliit umano ito para ikumpara sa isang demonyo.

Ang iba naman ay naniniwalang ang naturang nilalang ay isang sand hill crane. Ang naturang hayop ay ginagamit sa South Jersey hanggang sa gamitin ito sa kalokohan ng isang kelot upang manakot. Ang sand hill crane ay tumitimbang ng 12 libra’s at may taas na 4 na talampakan. Ang lapad ng pakpak nito ay pumapalo sa 80 pulgada. Ilang umano ito sa mga tao ngunit kapag kinompronta o pinikon ay lalaban ito.

Mayroon itong malakas na tinig o umuugong na boses  na maaaring marinig kahit nasa malayo ka. Kumakain lamang ito ng patatas at mais. Subalit, kung tungkol sa pag-atake sa mga livestocks, nagtataka si ginang Cassidy kung bakit sinasabi ng ilan na ang sand hill crane ay mayroong mukha ng kabayo, pakpak ng paniki at buntot na kung saan ay wala namang ganung parte ang crane.

Ayon kay Propesor Bralhopf, ang mga bakas ay likha umano  ng parang pre-historic animal na mula ika nga raw sa Jurassic Period. Naniniwala siya na ang naturang nilalang ay nabuhay sa underground craven o sa ilalim ng kuweba. Isang eksperto mula sa Smithsonian Institute ay mayroong teorya tungkol s amga ancient creatures na nabubuhay sa ilalim ng lupa. Aniya, ang Jersey Devil ay isa talagang Pterodactyl. Ang Academy of natural Science ay wala namang natagpuang anumang nilalang na gaya ng sinasabi ng una o nabuhay man tapos nawala na kahalintulad ng Jersey Devil.

Si Jack E. Boucher, awtor ng Absagami Yesteryear ay may teoryang na kung saan ay naniniwala siyang  na ang sinasabing demonyo ay isang dispormadong sanggol o bata noong ito’y isilang. Aniya, si Mrs. Leeds ay sinadyang i-disfigured ang bata at itinago ito sa isang sikretong  basement na malayo sa kanilang bahay. Kalauna, nagkasakit ang ginang at walang nang ganang pakainin ang bata. Dahil sa naramdamang gutom, tumakas ang bata at umatake sa mga local farms para makahanap ng pagkain. Ayon pa sat ala, kung nabuhay ang Jersey Devil noong taong 1735 at nakitang lumilipad noong Enero 20,  1909, lumalabas na nabuhay siya ng 174 taon noong taong ding iyon.

Ang mga bakas umano ng mga footprints at ilang malilit na detalye ng sightings ay sinasabing hoax o hindi totoo. Pero, maraming tao ang nagpapatotoo gaya ng mga pulis, government officials, postmasters, businessman a t iba pa ay kuwestiyunable ang kanilang integridad. Ang ilang natuklasang hoof prints ay hinihinalang peke rin. Walang malinaw na paliwanag tungkol sa mga natuklasang mga bakas lalo na sa mga bubungan ng bahay at nakitang lumipad umano ang JD.

Ang huling teorya ay masasabing kontrobersiyal. Maraming tao ang naniniwala na ang Jersey Devil ay isang puwersa umano ng demonyo na nagkatawang tao. Anila, ang naturang nilalang ay senyales umano ng napipintong malaking  digmaan na nagkaroon nga ng katuparan nang maganap ang Unang Digmaang Pandaigidg. Isa pa, nakita umano ang Jersey Devil bago magsimula ang Civil war.

At nakita rin umano bago magsimula ang Spanish- American War at Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Noong taong 1939, bago magsimula ang WWII, ang mga tao sa Mount Holly ay nagising s aisang malakas na tunog na umuugong sa bubungan ng kanilang mga kabahayan. Nakita rin ang JD noong Disyembre 7, 1941 bago bombahin ng mga Hapones ang Pearl Harbor. Nakita rin umano ang JD bago nagsimula ang Vietnam War.

PhilippineOne Facebook

PhilippineOne YouTube

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here