Pagkain ng Matatamis, Nakakabata

    Totoo nga bang nakakapigil sa pagtanda ang pagkain ng matatamis tulad ng chocolate? Lahat tayo ay naghahangad na manatiling bata. Yung nasa edad lang na masyadong aktibo at nagagawa ang nais gawin. Yung maraming oportunidad at pagkakataon na mailabas ang ating talento at mga natatagong ideya sa maraming bagay. Ito ang gusto nating buhay. Karamihan sa atin ay ayaw tumanda. Kaya naman karamihan din sa atin ay ginagawa ang lahat ng paraan para mapigilan ito. Subalit sa ayaw man natin at sa gusto ay darating at darating din tayo sa pagtanda.

    Pero alam nyo ba na ang matatamis na pagkain na iniiwasan natin dahil ayaw nating tumaba ay nakatutulong din pala na mapigilan ang ating pagtanda. Ito ay ayon sa US Department of Agriculture. Tulad ng tsokolate na nagtataglay ng flavonoids na siyang nagsisilbing antioxidants at siya namang pumoprotekta sa ating katawan sa pagtanda sanhi ng free radicals. Pero hindi ibig sabihin nito ay pwede ka ng kumain nang kumain ng maraming chocolates dahil lahat ng sobra ay nagdudulot na ng masama. Laging tandaan na ang mga tsokolate at kendi ay nagtataglay ng mataas na fat, sugar and calories. Hindi rin lahat ng matatamis ay nagtataglay ng magkakaparehong nutritional composition kaya ang epekto nito ay maaari ding magkakaiba.

    Bukod dito ay marami pa tayong benepisyong makukuha mula sa pagkain ng matatamis. Nakakatulong ito sa pagpapaganda ng ating mood, nakakadagdag sa ating lakas at nakakapagpaunlad sa ating way of thinking. Subalit sa kabila ng mabubuti nitong dulot ay meron din itong mga hindi magagandang epekto sa atin. Ang regular na pagkonsumo sa matatamis na pagkain at inumin ay nakakapagpataas ng panganib sa sakit sa puso. Nagiging sanhi rin ito ng cavities sa ating ngipin, sa loob lamang ng magdamag. Ito ay ayo sa American Dental Association. Hadlang din ang pagkain ng sobrang matamis sa pagfunction ng ating immune system. Dahil dito ay madali tayong kapitan ng ubo, sipon at iba pang mikrobyo. Kaya gaano mo man ito kapaborito at meron man itong naibibigay na mga benepisyo, huwag nating kalimutan na meron din itong hindi magandag epekto. Sapat na pagkain ng matatamis lang ang kailangan upang ang mga negatibong dulot nito ay ating maiwasan.

    More I AM FILIPINO

    More TIPS

    More Camille Jacinto

    More Dear Maria

    More K-Pop

    More Movie Reviews

    More Beauty and Health

    More Beauty Pageants

    More Commentary

    More Politics

    More OFW

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here