PAGKAIN: ISA SA MGA DAHILAN NG KARAMDAMAN (PART 2)

859
Flora Rivera

Natalakay sa aking unang artikulo ang mga kawalan o kahinaan (disadvantages) ng pagkain ng hindi tama. Gaya ng aking nasabi, ang pagkain ay pangunahing source ng nutrients o sustansiya na nagpapalusog sa ating pisikal na katawan. Subalit kung hindi tayo magiging matalino sa pagpili ng pagkaing ipapasok sa ating katawan, ito ay maaaring maging dahilan para tayo ay magkaroon ng mga karamdaman na maaaring ikamatay o ikaikli ng ating buhay.

Noong unang panahon ay  limitado lamang ang pagkakalantad ng ating mga ninuno at mga magulang sa masasarap na pagkain (mga taong 50’s, 60’s, 70’s).  Ilan lamang ang restaurant na mapapagpilian ng mga pangkaraniwang pilipino para kumain. Karaniwan, pansiterya ang mga kainan noon at ang palaging mabibili ay pansit, siopao,  torta,  chopsuey, fried chicken at  iba pang simpleng pagkain. Limitado rin ang tao sa pagpasok sa mga restaurant. Karaniwan ay lingguhan at tuwing araw ng suweldo o kaya ay tuwing may selebrasyon ng kaarawan at anibersaryo. Kaya masasabi kong mahaba ang buhay ng tao noon kesa ngayon.

Sa pagsulong ng mundo, lalo na ngayon, ay nadagdagan ang mga taong pumasok sa negosyo ng pagkain. Kasabay sa pag-unlad ng bansang Pilipinas ay kasamang umunlad ang karamihan ng mga nakatira dito. Nagkaroon sila ng kakayahang kainin ang anumang naisin nila, gaano mang kamahal ang presyo. Nagsulputan na parang kabuti ang mga restaurant na fastfood kung saan ang pangunahing mabibili ay hamburger, fried chicken, sphagetti at ice cream. Mula sa fastfood, nagsulputan rin ang mga mamahaling kainan na naka-franchised sa ibang bansa at naging bukas iyon para sa mga kababayan natin para makatikim ng iba’t-ibang ‘masasarap’ na putahe na hinahanap-hanap ng kanilang mga sikmura. Ang iba ay nagpu-food trip pa at sadyang ginagalugad ang iba’t ibang restaurant para makain ang ‘specialty’ ng mga ito.

Kasamang nabago ang itsura at lasa ng dating simpleng pagkain. Ang ice cream at halu-halo ay nagkaroon ng iba’t-ibang anyo. Mayroong sherbet (frozen dessert made with the foundations in ice cream, milk and sugar) , sorbet (a dessert consisting of frozen fruit juice or flavored water and sugar)gelato (Italian icecream), Frozen Yogurt at marami pang iba’t-ibang uri ng frozen and cold dessert na nilahukan ng iba’t-ibang pampasarap na sangkap katulad ng tsokolate, fruit concentrate or syrup, cream at sweetener na ang karamihan ay gawa na sa kemikal. Dahil sa dami ng pagpipilian, ang pagkahilig sa pagkain ng matamis ay naging mataas at lingid sa kaalaman ng karamihan ay nagiging sanhi para tumaas ang kanilang blood sugar.

Ang simpleng kape na dati ay nilalahukan lamang ng  asukal, gatas evaporada at creamer ay naging target rin ng mga negosyante at ito ay higit na pinasarap at nilahukan ng mga pampatamis na kinagiliwan ng mga tao. May isa akong kakilala na nagkaroon ng sakit na diabetes dahil araw-araw ay umiinom siya ng kape ng isang kilalang coffee house.

Nauso rin ang instant noodles. At dahil madali itong ihanda, karaniwan ng ito ang kinakain ng mga abalang tao at siya ring ipinapakain sa kanilang mga anak. At nakakahumaling ang lasa nito kaya ako, noong malilit pa ang aking mga anak ay palagi ring may stock nito sa bahay. Hindi ko naisip noon ang masamang epekto nito sa katawan dahil ang noodles at ang sauce mix nito ay pawang gawa sa chemical. Isang kakilala rin ang nagkuwento sa akin na isang bata ang palaging pinapakain ng instant noodle ng ina nito sa araw-araw. Namatay ang bata dahil sa sakit sa bituka. Kasabay sa pagsulong ng mundo at pagkalantad ng Pilipinas sa social media ay nagkaroon ng awareness ang tao sa masamang naidudulot ng instant noodles at naniniwala ako na kahit paano ay maraming tumigil na sa pagkain  o nagbawas na ng pagkain nito.

Maarami pa akong gustong talakayin hinggil sa pagkaing ating ipinapasok sa ating katawan. Hintayin po ang susunod na bahagi.

MORE ARTICLES

Horoscopes     Kapangyarihan     Pamahiin    Panaginip      

Misteryo    Numerology    Zodiac   Beauty/Health

Your Birthday ( Kaarawan Horoscope)      Entertainment   

Religion    Panalangin  Relationships     OFW      LGBTQ    

New Wave (English)     Facebook     YouTube

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here