Pagiging Single, Choice Or No Choice?

Geraldine Monzon

Geraldine Monzon; Writer in komiks/pocketbooks/newspaper/indie film
My motto in life is; Be stronger than your excuses. If you can't say it, write it.

Latest posts by Geraldine Monzon (see all)

Gaano karaming tao ba ang gugustuhin na maging single for life at walang makasama sa buhay hanggang sa pagtanda? I bet na mas marami pa rin ang gustong magkaroon ng happily ever after. Ang pagiging single ay pwedeng maging choice or pwede rin naman na dahil no choice na lang sila. May mga tao na nagsasabing CHOICE ang pagiging single. Ito marahil, halimbawa ay hindi siya handa o hindi niya gustong pumasok sa isang relasyon na masalimuot. Ayaw niyang sumugal. Lalo na kung marami sa mga kakilala niya ang nagfailed ang relationship o marriage. Ginagawa niyang basehan ang karanasan ng iba. Pwede rin naman na dahil sa sarili niyang karanasan, na minsan sa buhay niya siya ay nabigo sa pag-ibig. Ang kasawiang ito ang siyang mag-uudyok sa kanya na dumistansya sa pakikipagrelasyon. Kapag tuluyan na siyang nakabangon mula sa heartaches at nagsimula na siyang mag-enjoy sa kanyang pag-iisa, hindi na siya mag-iiba ng way at pipiliin na talaga niya ang maging happy single for life. Kahit pa dumating yung chance na pwede ulit siyang magmahal ay mas bibigyan pa rin niya ng prayoridad ang kanyang pagiging single dahil dito niya natagpuan ang peace of mind.

Meron din namang nagsasabi na ang pagiging single ay dahil NO CHOICE na lang.May tao na kahit gaano kaganda o kagwapo ay hirap makatagpo ng pag-ibig o yung tunay na pag-ibig. Halimbawa, ang isang tao na maganda pero walang karisma o mababa ang karisma, siya yung tao na gustuhin man maranasan ang magical love e kung wala namang dumarating sa kanyang buhay para maging kapareha niya, ano pa nga ba ang magagawa niya kundi maghintay pa rin. Siya yung tipo ng single na may malungkot na buhay. Yung nahihirapan na i-appreciate kung ano ang meron siya at kung ano pa yung mga ibang makakapagpasaya sa kanya kahit nag-iisa lang siya. There are times na susubukan niya kahit pa risky ang chance magkaroon lang siya ng forever. Pero kung hindi ukol, hindi talaga bubukol. So ang kakalabasan talaga nito ay wala siyang mapagpipilian kundi tanggapin ang kanyang pag-iisa.

PhilippineOne Facebook

PhilippineOne Youtube

SHARE
Previous articleKahulugan Ng Langgam Sa Panaginip
Next articleChinese Horoscope; Agosto 9
Geraldine Monzon; Writer in komiks/pocketbooks/newspaper/indie film My motto in life is; Be stronger than your excuses. If you can't say it, write it.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here