Pagiging Gastador, Nakaguhit Sa Palad Ng Isang Tao

Latest posts by Myrna Maravilla (see all)

Ano nga ba ang dahilan kung bakit nagiging gastador ang isang tao? May kinalaman ba ito sa kanyang personalidad o sadyang may mga dahilan lang kung bakit siya gumagastos ng sobra sa dapat? Kung ikaw ay nalagay sa alanganing sitwasyon, yung tipong wala ka na talagang madudukot sa’yong bulsa pero kailangang kailangan mo ng pera, siguradong mapapaisip ka at maipapangako mo sa sarili na sa oras na ikaw ay magkapera ulit ay titipirin mo na ito at gagalingan mo na ang paghawak. Pero sa muling pagkakataon ay back to normal ang style mo gastos dito,gastos doon pa rin ang trip mo. Yung hangga’t may nakikita kang pera sa kamay mo ay di ka mapakali at tila may nag-uudyok sa’yo na gumastos ulit kahit hindi naman dapat. Titigil ka lang kapag wala na ulit laman ang wallet mo. Paulit-ulit na lang ang ganitong eksena sa buhay mo na may kaugnayan sa pera. Kahit gaano mo pakagusto na huwag maging gastador ay ito pa rin ang nangyayari sa bandang huli.

Ang dahilan, ito ay nakaguhit sa iyong palad. Kung may makikita kang maraming guhit na ang tinutungo ay pakaliwa, ito ay nangangahulugan na hindi ka marunong sa paghawak ng pera at gagastos ka hindi lang ayon sa pangangailangan mo kundi ayon sa kagustuhan mo sa sandaling nasa harapan mo na ang maraming bilihin. Gayundin sa pagkain, yung tipong takaw tingin ka lang kaya bibili ka pero hindi mo naman kakainin o kaya ay hindi mo uubusin, basta’t matikman mo lang ay okay ka na. Ang pagiging impulse buyer mo ay hindi mo kagustuhan kundi ito ay nakaguhit sa iyong palad at wala kang magagawa dito kahit na anong paghihigpit pa sa sarili ang gawin mo. Maaaring makatulong sa’yo ang mga payo kung paano ka makakaiwas sa pagiging gastador. Maaaring sa sandaling panahon ay magawa mong mapigilan ang iyong sarili sa labis na paggastos, subalit hindi magtatagal ay muling mangangati ang iyong palad at magbibitaw ka ulit ng mga pera para sa mga bagay na hindi mo naman gaanong kailangan.

1 COMMENT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here