PAGHAHAGIS SA MGA HAYOP

0
405

Ang mga hayop ay bahagi na ng mga sinauna pang pamahiin. Pusa, aso, ibon, kuneho at lahat na yata ng hayop maging ang mga insekto. Lahat ng mga kilos at galaw nila ay naiuugnay sa pamahiin. Maging ang gagawin sa kanila ng tao o sitwasyon na kasasapitan nila ay kinakabitan din ng pamahiin. Tulad na lang ng paghahagis sa kanila. Narito ang ilang paniniwala tungkol dito.

1.Kapag ang pusa ay inihagis mo sa ilog, ikaw ay mamalasin sa loob ng siyam na buwan. Kung ang pusa ay mabubuhay sa kabila ng paghagis mo sa kanya, maaari kang makaligtas sa kamalasan. Subalit kung ito ay hindi mo na makikita ihanda mo na ang iyong sarili sa mga kamalasang posible mong kaharapin sa loob ng siyam na buwan o taon na katumbas ng buhay nito.

2.Kapag naman ang aso ang iyong inihagis sa ilog at siya ay agad nakabalik at nakaahon ito ay nangangahulugan ng suwerte. Kung natagalan bago siya umahon , ito ay nangangahulugan na magiging mabagal ang iyong pag-asenso.

3.Kapag naman kuneho ang inihagis mo sa gitna ng kabukiran at siya ay tumakbo ng malayo, ang ibig sabihin nito ay malayo rin ang mararating mo sa buhay. Subalit kung ang kuneho na inihagis mo sa bukid ay nanatili sa isang lugar, ito ay nangangahulugan na mananatili ka rin sa kasalukuyan mong kalagayan sa buhay.

4.Kapag ang dalawang kalapati ay sabay na pinalipad o inihagis paitaas ng mga bagong kasal,kung ang kalapati na binitawan ng groom ay hindi gaanong lumipad o mas mababa ang lipad kaysa sa kalapati na binitawan ng bride, ibig sabihin ay mas magiging successful ang karera ng bride kaysa sa groom.

5. Kapag ang patay man o buhay na daga ay inihagis mo sa bintana, ikaw ay lalong maghihirap sa buhay. Kung nakakaalwan ka ay makakaranas ka ng kakapusan. Kung ikaw naman ay dati ng kapos ay lalo ka pang kakapusin.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here