Paghagis ng Barya

161

Huwag mong isnabin ang ang barya dahil hindi ka magkakaroon ng buong pera kung hindi dahil sa barya saka kapag nabaryahan ang buo ay makikita mo na rin ang barya. Ang gusto ko lang sabihin, ang barya ay may malaking papel sa ating buhay lalo na kung ikaw ay mayroong negosyo.

Kapag nagplano kang magtayo ng negosyo at binuksan mo ito sa unang araw ay huwag na huwag mong kalilimutan ang paghahagis ng barya. Makapagbibigay kasi ito ng suwerte sa’yong negosyo dahil sa paghahagis ng barya ay para mo ring pinahahalagahan ang kakarampot na kita.

Ito ang dahilan kung bakit may mga negosyante na nagbabaon pa ng barya habang ginagawa nila ang kanilang gusali. Naniniwala kasi silang suwerte ang ihahatid nito sa kanilang buhay. Kaya kahit na sabihin mong wala ka namang negosyo ay huwag na huwag mo pa ring iiisnabin ang barya dahil lahat ng klase ng pera ay mahalaga sa ating buhay.

Kung ikaw ang tipo ng tao na hindi nagpapahalaga sa barya, huwag na huwag mong aasahan na aasenso ka ng bonggang-bongga dahil hindi mangyayari iyon. Sa halip, puro kamalasan ang mararamdaman mo sa susunod na mga araw dahil kung kailan kailangan mo ng barya ay saka wala kang mahagilap. Tandaan mo, hindi lang ang tao ang marunong magtampo, pati na rin ang mga hayop at suwerte na nasa iyong kamay.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here