Pagbabasa 3 (Reading habits and preferences)

0
125

Latest posts by Nadia Mendoza (see all)

ABAKADA, unang librong ibinigay sa akin upang matutong magbasa sa wikang Filipino. Una akong natutong magbasa ng mga teksto sa Filipino kaysa sa Ingles. Mga pabula, alamat, at maikling kuwento ang bumuhay at nagbigay ng kulay sa aking musmos na isipan. Ngunit sa paglipas ng panahon tila nagbago ang ihip ng hangin. Mga nobela at kuwento sa wikang Ingles ang bumubuhay sa pang-araw-araw kong kasiyahan at interes. Wikang Filipino, tuluyan na nga bang ipinagpalit at kinalimutan?

Aaminin ko, nakapagbabasa lamang ako ng mga teksto sa Filipino kapag ito ay ipinagawa ng aming guro. Mga kuwento nina Florante at Laura, Ibong Adarna, at Simoun Ibarra ang hindi ko malilimutan dahil sa galing ng pagkakagawa. Ngunit mas napukaw ang atensyon ko ng mga kuwento nina Harry Potter, Kathniss Everdeen, Percy Jackson at marami pang iba. Sa tingin ko ay alam ko na ang dahilan dito. Una, impluwensiya ng mga tao sa aking paligid. Pangalawa, mas nagdurugo ang aking ilong sa pagbabasa sa wikang Filipino. At ikatlo, hindi sapat ang aking kaalaman sa wikang Filipino at sa mga bagong teksto na maaaring pumukaw sa aking atensyon. Gayunpaman, hindi ako taksil na kakalimutan ko ang mga natutuhan ko sa ABAKADA. Mananatiling may puwang sa aking puso ang mga babasahing sariling atin.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here