Pagbabasa 2 (Reading habits and preferences)

0
138

Latest posts by Aura Gail Panican (see all)

Ang pagbabasa ay isa sa mga pinakamabisang pampalipas-oras ng mga tao. Hindi lang ito nakaaaliw, nakatutulong din itong mhasa ang ating pagbabasa at komprehensyon. Ngunit sa panahon ngayon, ang pagbabasa ay di na gaanong ginagawa dulot ng teknolohiya. Marami sa mga tao ngayon ay biswal at mas natutuwa sa mga imaheng gumagalaw. Sa kabila ng mga ito, may iilan pa rin sa atin ang may hilig sa pagbabasa mapalibro man o e-book.

Ang mga mambabasa ay may sari-sariling interes na babasahin at tulad ko, na isa ring mambabasa, may sariling genre akong sinusubaybayan. Nahilig ako sa pagbabasa ng mga nobela. Dahil sa mga nakaaaliw nitong mga istorya ay napukaw nito ang aking interes. Nakatutuwa dahil sa bawat paglalarawan ng mga karakter at pagkukuwento ng mga pangyayari sa istorya ay lumalapat sa aking imahinasyon. Noong una ay napukaw ang aking atensyon ng mga istoryang may kinalaman sa pag-ibig dahil sa mga nakakikilig nitong kuwento. Ngunit kalaunan ay nabaling ang atensyon ko sa mga istoryang may misteryo at aksyon. Mas kaabang-abang kasi ito at kapanapanabik ang bawat pangyayari. Mapa-Ingles man o nasa wikang Filipino ay ayos lang basta’t may interesante itong kuwento.

Masaya ang pagbabasa kaya’t patuloy lang na magdiskubre ng mga nakatutuwang istorya.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here