Pagbabasa 1 (Reading habits and preferences)

0
173

Latest posts by Andrei Gaspar (see all)

Isang mabuting libangan ang pagbabasa dahil bukod sa ito ay nakatutulong upang magugol ang oras na wala tayong ginagawa ay nakapagbibigay din ito sa atin ng inspirasyon, impormasyon, kaaliwan, kaalaman, at iba pa. Kung kaya maraming mahilig magbasa nguni’t iba’t-iba ang interes dahil maraming uri ng babasahin. May mga babasahing nakikita sa internet at mayroon din sa tabloid, libro, magasin, broadsheet, at iba pa. Ngunit gaya ng alam natin, sa pag-unlad ng teknolohiya ay marami nang nahihilig sa cellphone kung kaya marami na ang nawawalan ng interes sa pagbabasa.

Sa aking palagay, mas mabuti nang magbasa ng mga babasahing nahahawakan na hindi kagaya ng nakikita sa internet dahil sa panahon ngayon ay laganap ang tinatawag nating fake news. Kung kaya ang hilig ko ay pagbabasa ng pocket books na gawa rin ng mga Pilipino dahil magaganda ang mga istorya nito at hindi lamang iyon, sa pamamagitan pa nito ay natatangkilik ang sariling atin. Maganda rin ang mga ito dahil nabibigyan ako ng ideya at inspirasyon sa pagsulat ng mga maikling kuwento at kung minsan sa pagsulat din ng mga tula.

Kaya kung ako ang tatanungin, mas mainam  ang pagbabasa  ng mga ganitong uri ng babasahin dahil bukod sa nakaiiwas tayo sa radiation na nagbubuhat sa ating mga gadget, mas damang-dama natin ang pagbabasa. Sana ay muling bumalik ang panahong ang babasahing kinahihiligan ng mga tao ay kagaya ng mga nahahawakan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here