Pag-asa, Sumibol Matapos Ang Pagsabog Ng Bulkan

Cover photo from Philippine Star

Geraldine Monzon

Geraldine Monzon; Writer in komiks/pocketbooks/newspaper/indie film
My motto in life is; Be stronger than your excuses. If you can't say it, write it.

Sa oras ng mga sakuna at kalamidad, napakaraming tao ang nawawalan ng pag-asa. Yung pakiramdam nila ay katapusan na ng mundo. Sa mga hindi pa nakaranas at naapektuhan ng matinding bagyo, pagbaha, lindol, tsunami at iba pang kalamidad, madali lang sabihin na bumangon at magsimula muli. Pero sa mga tao na pinagdaanan ito ay ni wala silang ideya kung paano nila mababawi ang mga nawala sa kanila lalo na kung may mga mahal sila sa buhay na nangamatay dahil dito. Yun lang mawala sa’yo ang mga gamit na pinagsikapan mong bilhin, bahay na pinaghirapan mong ipundar kasama ang magagandang alaala, mga hayop na inalagaan mo at itinuring na kapamilya ay napakasakit na, lalo’t higit ang mawalan ng minamahal sa isang iglap. Masakit isipin na sa ganitong senaryo ng buhay ay hindi mo alam kung saan ka babaling para kumuha ng pag-asa. Yung aasa ka na lang sa awa ng Diyos.

 Sa gitna ng mga ganitong  pangyayari, hindi lamang puro kanegatibuhan ang makikita natin kundi nagsusulputan din ang mga taong may ginintuang puso. Isang senyales na hindi pa rin tayo pinapabayaan ng Diyos. Ang pagsubok na ibinigay niya sa atin ay pinapalitan niya ng bagong pag-asa. May mga tao siyang ipinapadala sa atin upang akayin tayo sa kung saan tayo dapat magsimula ulit. Isang simbolo rin ang kamakailan ay ipinakita sa atin ng Diyos bilang patunay na hindi tayo dapat malugmok sa kawalan ng pag-asa, matapos umusbong ang isang munting dahon sa gitna ng mga halamang balot ng abo bunsod ng nangyaring pagsabog ng bulkang Taal. Bagamat inaantabayanan pa ang tuluyang pagputok nito, ang lahat ay binigyan ng pag-asa ng munting dahon. Ipinapalagay ng marami na ito ay isang positibong tugon ng Panginoon sa ating mga panalangin. Kung ang munting dahon na ito ay umusbong na, dapat ay ganoon din ang gawin ng mga naapektuhan, unti-unti ay simulan na ang pagbangon sa tulong ng ating mga kababayan at ibang lahi. Kahit hindi pa tayo nakakasiguro sa lubusang pananahimik ng bulkan ay hawakan na natin ang pag-asa sa ating mga puso at huwag na itong bibitawan anuman ang mangyari.

SHARE
Previous articleOFW Story ni Joseph: Paghihirap naramdaman sa abroad
Next articleVP Leni, Pinangatawanan Ang Bansag Na Lugaw Leni
Geraldine Monzon; Writer in komiks/pocketbooks/newspaper/indie film My motto in life is; Be stronger than your excuses. If you can't say it, write it.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here