Pag-aral sa Ibang Bansa para sa Pinoy: Isang Pagunam Mula sa Magulang ng Isang Estudyante sa Foreign Exchange

0
1068

Alam kong maraming tao ang makakakita sa aking pag-iyak sa isang publikong lugar tulad ng airport. Sinikap kong pigilin ang mga luha, ngunit napuno ang aking mga mata at ang aking mukha ay namula habang pinapanood ko ang aking nag-iisang anak, 19, lumakad patungo sa Departure para sa isang nakakapanibagong karanasan sa kanyang buhay.

Siya ay mawawala nang isang taong upang mag-aral sa ibang bansa bilang isang estudyante sa Japan. Nang sabihin niya sa akin ang plano na ito ilang buwan na ang nakalilipas, ang aking unang naisip bilang isang magulang ay buhusan siya ng suporta at pampatibay-loob upang makuha nya ang pagkakataon. Walang nagsabi sa akin kung gaano kalalaki ang magiging epekto ng kanyang pag-alis sa aming pamilya.

Pagsasalin upang maging isang estudyante ng foreign exchange

Noong nakaraang taon, sinabi na nang aking anak na sasalin sya sa foreign exchange program sa isa sa mga partner na eskwelahan ng kanyang unibersidad. Ang University of the Philippines (UP) sa Diliman, sa ilalim ng Office of International Linkages ay nag-aalok at tumutulong sa mga kwalipikadong estudyante na nais makaranas ng pag-aaral sa ibang bansa para sa isang maikling semestre o isang taon na pananatili.

Ang ilang mga paaralan sa Metro Manila o Luzon at Cebu, sa pribado at pang-estado, ay may sariling International Linkages division rin. Nagpapadala ang mga institusyong ito ng mga estudyanteng Pilipino sa Tsina, Hapon, Timog Korea, Indonesia, Vietnam, Thailand, USA, Australia at ilang mga bansa sa Europa. Tumanggap rin sila ng mga dayuhang estudyante hangga’t ang paaralan ay katulad ng katayuan sa paaralan ng Pilipinas.

Ito ang iilan lamang sa mga paaralan na may mga programang foreign exchange para sa mga mag-aaral. Makipag-ugnay sa kanila para sa mga detalye tungkol sa aplikasyon at mga kinakailangan:

Noong 2015, inilipat ng UP ang kalendaryo ng simula at katapusan ng pag-aaral mula Hunyo-Marso sa Agosto-Mayo upang sundin ang kalendaryo ng mga paaralan sa ibang bansa. Ang paglilipat ay nagdulot ng mas mahusay na relasyon at lumikha ng mas malaking pagkakataon para sa akademya upang maging isa sa mga pinakamahusay na “partner school” sa rehiyon ng Timog Silangang Asya. “Sa mga tuntunin ng pagpapadala ng signal sa mga potensyal na partner sa ibang bansa, sa iba pang mga unibersidad, at kahit sa UP na handa kami na mag-link sa rehiyon at sa mundo… siyempre positibo ito,” sabi ni Prospero de Vera ng UP Public Affairs sa Rappler. (http://www.rappler.com/nation/96751-up-more-international-linkages-calendar-shift)

Paghahanda, pag-aalala para sa pag-aaral sa ibang bansa

Sa batch ng aking anak, mga 56 na estudyante ang umalis sa UP noong Pebrero at Marso ngayong taon para sa simula ng spring semester sa ibang bansa. Mayroong 30 na mga estudyante naman sa nakaraang batch habang ang UP ay nagpapadala ng mga mag-aaral bawat semestre.

Ang mga mag-aaral na mag-aaplay sa programa ng foreign exchange sa UP ay maaaring magkaroon ng isang full scholarship (na sumasakop sa mga bayad sa pag-aaral at mga libro, dorm o pabahay, airfare, insurance at buwanang allowance para sa pagkain, ilaw at tubig, at iba pang gastos) o isang partial scholarship (na sakop ang bayad sa pag-aaral lamang). Ngunit ang mga partner schools ay nag-aalok din ng iba pang mga scholarships, depende sa gobyerno o unibersidad.

Ang aking anak, na hindi kailanman nanirahan na nag-iisa o bumisita sa isang dayuhang lugar nang mag-isa, ay tinanggap sa ilalim ng partial scholarship. Napagtanto sa akin at sa kanyang ama na maaaring kakailanganin naming gamitin ang aming emergency fund, o ibenta ang ilan sa aming mga kagamitan, o magtrabaho ng double o triple oras para makapagtipid kami ng sapat na pera upang suportahan ang kanyang mga pangarap.  Ang halaga ng gastusin sa isang buwan para sa isang mag-aaral na naninirahan sa ibang bansa ay halos katumbas ng suweldo ng mid-range na empleyado sa isang korporasyon sa Pilipinas.

Takot at pagkabalisa ang bumagabag sa akin at kinuwestyon ko ang aking sarili sa pagbigay ng hintulot sa aking anak sa ganitong sitwasyon. Ang aking pinakamalaki at pinaka-labis na pag-alala ay kung siya ay magutom at manglimos ng pagkain sa ibang bansa. Inatake rin ako ng pagkabalisa at empty nest depression syndrome limang buwan bago siya makaalis. Nung una’y labis ang aking paghihikayat sa kanya sa pagkakataong ito, ngayon ay napuno ako ng pagkabagabag at mga katanungan. Tama bang ilagay ko sya sa ganitong landas o nilagay ko ba sya sa panganib?

Sa Pilipinas, hindi karaniwan para sa mga anak na tumira pa rin kasama ang kanilang mga magulang pagkatapos ng high school at kung minsan, kahit na sila’y nagtatrabaho na at nasa sapat na gulang. An relasyon sa pamilya ay patukoy sa kulturang Pinoy at ang pagiging “mama’s boy” ay hindi lubos na isang masamang bagay kumpara sa ibang mga kultura.

Hindi isang mama’s boy ang aking anak at kahit noong maliit pa siya, bakas na ang hangad niya nang kasarinian. Ngunit dahil siya ang aking tanging anak, madalas akong nag-aalangan na balansehin ang aking pagnanais at intensyon na protektahan siya laban sa kahalagahan ng pagtuturo sa kanya na magpakalalaki. Nang naging mas malinaw na siya nga ay aalis, lagi kong pinapaalala sa aking sarili na ang pagpayag sa kanyang mamuhay sa ibang bansa ay magtuturo sa kanya na maging matatag at mapagtalatas sa buhay.

Sanayan sa isang bagong kapaligiran

Sa kanyang unang ilang gabing malayo sa Pilipinas, naramdaman ng aking anak ang halo-halong damdamin. Nawalan siya nang kaginhawahan sa bahay ngunit namangha siya sa kanyang bagong lugar. Ang isa sa pinakamalaking hamong hinarap niya ay sa pakikipag-usap sa mga lokal. Marunong siya ng kaunting Hapon ngunit hindi niya alam kung maayos ba siyang nakakakapag-usap.

Mas madali niyang nai-ayos ang kanyang buhay-estudyante dahil marami silang nasa programang foreign exchange kung kaya’t sabay-sabay silang natutulungan. Mas matagal nyang nai-ayos ang pamumuhay mag-isa sa kanyang apartment.  Kinailangan niyang mahanap ang pinakamurang bilihan, matuto ng mga hacks sa bahay upang makatipid sa tubig o kuryente at kanailangan din niyang makahanap ng isang part-time na trabaho upang makakuha nang dagdag na allowance.

Tatlong buwan mula noong siya ay umalis, ang aking tiyuhin na nagbakasyon sa Japan, ay nakipagtagpo sa kanya upang ihatid ang paketeng ipinadala namin. Laman nito ang mga pagkaing Pinoy na paborito niya tulad ng polvoron, lokal na chips at mga sangkap o Filipino condiments, marinade powder at kung ano ano pang magagamit nya sa pagluto.

Sinabi sa akin ng aking tiyohin na ang aking anak ay mukhang sanay nasa buhay sa Japan sa maikling panahon. Nagkaroon rin siya ng ilang kaibigang lokal na madalas niyang kasama sa loob at labas ng eskwelahan.

Tuwing kami ay nag-uusap sa Skype, ramdam ko ang kanyang pagbabago at pagmamature. Madalas naming pinag-uusapan kung paano nya pinagsasabay ang pag-aaral at trabaho, o kung paano niya inaayos ang mga isyu sa mahihigpit na guro or sa kalakaran sa trabaho. Pinag-uusapan rin naming ang kanyang budget at kita. Madalas kumukunsulta sya tungkol sa mga bagay na maaring hindi naming mapag-uusapan kung narito lamang siya sa Pilipinas.

Binago nang  kanyang pagiging malayo ang dynamics ng aming pamilya. Hindi lamang isang anak sa magulang ang aming relasyon ngayon, ngunit isa ring “adult.” Kung sabagay, ilang buwan na lang ay magiging 20 na ang aking anak. Tama lamang na matuto na nga siyang maging isang ganap na matanda.

Written by Rachel Cruz

Rachel Cruz is a freelance writer from Manila who wishes to build a new Philippines

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here