Pabor ka ba sa Death Penalty para sa mga Rapist?

0
100

Sa kasalukuyan, walang death penalty sa Pilipinas bagamat gusto itong ibalik ni Presidente Duterte. Ang death penalty ay inalis noong Hunyo 24, 2006 sa termino ni dating Presidente Arroyo. Ngunit bago nito, ang bansa ay may death penalty mula 1946 hanggang 2006.

Sa buong kasaysayan, higit 1200 Pilipino ang nahatulan ng death penalty sa bansa ngunit iilan lamang ang tuluyang ginamitan nito. Ang kaso ni Leo Echegaray ang isa sa pinakaprominenteng kaso tungkol sa death penalty. Si Echegaray ay pinatay gamit ang lethal injection dahil sa pangrerape nito sa isang 10 taon gulang na bata.

Sa ngayon, 7 bansa na lamang ang nagiimplementa ng death penalty sa buong mundo, at ito ay ginagamit lamang para sa mga malalang krimen tulad ng pagpatay.

Mababawasan ba ng Death Penalty ang Rape sa bansa?

Maraming Pilipino ang naniniwala na death penalty ang kasagutan para mabawasan ang mga kaso ng rape sa bansa. Ngunit ayon sa datos, kabaligtaran nito ang mangyayari. Sa katunayan, ayon sa Free Legal Assistance Group (FLAG) to the Commission of Human Rights (CHR), tumaas ang bilang ng rape ng 40% noong 1994 at 44% noong 1995 kahit na mayroong death penalty sa bansa. (SOURCE)

Maging sa ibang bansa tulad ng Pakistan at India, hindi rin nakatulong ang death penalty upang mapababa ang bilang ng kaso ng rape. Ito ay dahil karamihan ng mga rape victims ay takot o di kaya’y nahihiyang mag report ng pangyayari. Bukod pa rito, ang proseso para sa paglilitis ng kaso ay maaring umabot ng ilang taon. Ang masugid at mahabang proseso ay hindi rin kasiguraduhan na mahahatulan ng kamatayan ang kriminal. Dahil naman sa stigma na nakapalibot sa rape, maraming rape victims na nagrereport ay mas pinipiling hindi ituloy ang kaso.

NO TO DEATH PENALTY

Sa aking palagay, hindi pa rin dapat ibalik ang death penalty sa bansa. Naiintindihan ko ang saloobin ng mga kapwa Pilipino, at ang galit na nararamdaman ngayon ng karamihan dahil sa balita tungkol kay Silawan. Subalit, kailangan pa rin nating pag-isipan kung ano ba ang magiging pang matagalan na epekto nito sa ating bansa.

Tingnan na lamang natin ang nangyari noong panahon. Sa 907 na kaso ng death penalty sa bansa, 230 lamang ang napatunayan na guilty. 651 na kaso ang binigyan ng mas mababang hatol, at 23 naman ang napatunayang not guilty. Hindi ba’t nakakatakot isipin na maaaring ilan sa mga taong nahatulan  ng kamatayan ay inosente pala? (SOURCE)

Bukod sa hindi na ito makatutulong upang bumaba ang kaso ng krimen sa bansa, maaari pang mabawian ng buhay ang mga taong walang kasalanan. Sa huli, mas mabuti pa rin ang habang buhay na pagkakakulong at rehabilitasyon para sa mga kriminal kumpara sa pagpataw ng kamatayan.

Ikaw, ano ba ang iyong saloobin tungkol dito?

The opinions of our writers are not necessarily the opinions of PhilippineOne management

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here