Paano pumuti gamit ang kalamansi

0
185
Mheanne Saclet

Mheanne Saclet

Kaibigan ng kabataan
Mheanne Saclet

Latest posts by Mheanne Saclet (see all)

Marami sa atin ang gustong pumuti at maging kutis porselana sino ba namang hindi, diba? Gamit ang kalamansi puputi ka ng halos walang ginagastos dahil karamihan sa atin ay meron na nito sa bahay. Ang kalamansi ay may bleaching effect kaya naman Nakakaputi ito at hindi lang iyon, tinatanggal din nito ang mga masasamang amoy sa ating katawan.

Paano paputiin ang tuhod, siko, singit at muka.

May roon akong ibabahagi na tatlong paraan upang gamitin ang kalamansi sa pagpapaputi.

Una gamitin ito bilang pampaligo. Madali lamang ito.

1. Kumuha ka ng 10 o higit pang kalamansi.

2. Hiwain ito at kunin ang katas

3. Ihalo ito sa tubig na pang banlaw pagkatapos magsabon. Gawin ito 3-4 na beses sa isang linggo.

Pangalawa, gamitin ito bilang toner.

1. Kumuha ng 2-3 pirasong kalamansi at hiwain ito.

2. Kunin ang katas nito

3. Gamit ang bulak ipahid ito sa buong muka at makikita mo na makukuha rin nito ang dumi sa iyong muka.

4. Huwag mo itong ibababad sa iyong muka. Kung ikaw ay sensitive skin pagkatapos malagyan ng kalamansi ang buo mong muka maari ka ng maghilamos, kung hindi naman ay maari mo itong ibabad ng 1 hanggang 2 minuto.

Maari mo rin itong gamitin sa ibang parte ng iyong katawan.

Gawin mo ito ng 4 hanggang limang beses sa isang linggo.

Pangatlo, paggamit ng kalamansi na may halong baking soda.

1. Kumuha ng 2 o higit pang kalamansi at baking soda.

2. Maglagay ng baking soda ang dami ay naayon sa dami ng paggagamitan mo.

3. Saka pigaan ito ng kalamansi at hanggang sa maging toothpaste ang consistency nito maari ding magdagdag ng tubig. 4. Ipahid ito sa mga parti ng katawan mo na gusto mong paputiin ang method na ito ang pinaka mabisa dahil ang baking soda ay nakatutulong rin magpaputi. Gawin ito 3 hanggang 4 na beses sa isang linggo.

Wag nyong kalimutang mag comment kung sinubukan nyo ba ito o hindi. Kung ikaw ay nakaramdam ng anumang dis comfort maaring hindi kaya ng iyong balat ang acid ng kalansi kayat itigil mo ang paggamit nito. Ngunit kung nag work naman ito sa iyo wag mong kalimutang bigyan ng maggandang feed back ang article na ito. Ang pagpapaputi ay hindi agaran kayat matututong maging mapag pasensya ang lahat ng bagay ay nakukuha sa sipag at tyaga lamang

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here