Paano Pigilan Mag-mahal sa Taong Di Mo Pa Gaano Kilala?

0
219

Camille Jacinto

Camille Jacinto is a Senior Copywriter and Social Media Manager for a Christian events company which is funding a church in Sampaloc Manila. She took up Master of Arts in Communication at the University of Santo Tomas. Her long time dream is fulfilled because she is now using her gift of writing to make Jesus known to people, one family at a time.

Ikaw ba yung tipong lahat ng nakilala mo online at sa totoong buhay ay mahal mo na agad? Madali ka bang magkaroon ng gusto at yung tipong patay na patay ka pa? Sawi ka ba sa pag-ibig at padalos padalos na lang talaga? Basahin ito ng mabuti!

Madalas naghahanap talaga tayo ng taong ating “God’s best”. Hindi natin maitatanggi na natatakot din tayo maging mag-isa kaya ang search natin for love ay ganun ganun na lamang. Kaso, nasa maling pagkakataon tayo at maling lugar. Nasasaktan tayo lalo dahil nagiging padalos dalos tayo para lang mahanap natin yung perfect guy para sa atin. Ito ang dapat mong isipin kung lagi kang nagmamadali ma-inlove, WALANG PERFECT GUY!

Kung feeling mo ay mabilis kang ma-inlove sa mga taong nakikilala mo, kailangan mo itong basahin. Agad agad.

  1. Set a goal in your life

Magsulat ka ng short term at long term goals mo sa buhay. Ilista mo lahat ng gusto mong mangyari in the next few coming years. Make sure na lahat ng isusulat mo ay naka-focus sa sarili mo at hindi sa ibang tao. Bigyan mo ng time ang sarili mo at mag-reflect ka ng mabuti dito. Kapag nagawa mo na ito, hindi mo maiisip yung mga temporary na bagay katulad ng pagka-gusto sa mga taong nakikilala mo. Dapat ay turuan mo ang sarili mo maging mature. Bigyan mo ng time ang love, at bigyan mo si God ng time para ipakilala sayo ang mamahalin mo ng totoo at mamahalin ka rin.

  1. Bumuo ka ng support system mo

Don’t be afraid to have friends. Pero huwag mo isipin na yung mga friends mo ang magiging future partner mo. Dapat ay walang malisya. Kelangan mo ng support system na naiintindihan ka at hindi ka dinadala sa masamang impluwensya nang pakikipag-date agad agad. Dapat yung support system mo ay goal-oriented din.

  1. Huwag ka na mag-focus sa paghahanap ng mamahalin mo

Kung sinasayang mo lagi ang oras mo sa paghahanap ng magiging partner mo, mas hindi ka makakahanap. Pwedeng makahanap ka naman, pero temporary lang dahil minadali mo masyado. Dapat ay kung papasok ka na sa isang relationship, dapat ay handa ang puso mo at dapat ay handa ka na as a person.

  1. Maging busy ka

Focus on your career first. Tandaan mo na hindi ka bumabata, kung hindi tumatanda araw-araw. Enjoy the simple things in life first and love your job as well. Hindi ka pababayaan ng trabaho at career mo dahil kahit anong mangyari, may experience kang mapupulot dito.

  1. 5. Pray

Bigyan mo ang sarili mo ng time to pray. Trust God. Love Him first before loving other people. Find your strength in God and never forget about Him in your time of trials. Siya ang nandyan lagi para samahan at gabayan ka, kaya huwag mo siyang layuan. Kahit 10 minutes lang pagkagising, learn how to read His Word and pray for the things you worry about in the morning. Sure ako after niyan, bibigyan ka niya ng totoong challenges, challenges na magbibigay sayo ng mas magagandang growth.

  1. Learn to say no

Huwag mo sanayin ang sarili mo na laging nagsasabi ng “YES” sa lahat ng tao. Learn how to say “NO”. Learn how to tell people that you are not interested in a relationship and you are taking your time to learn more about life. Kapag may nag-stay talaga para makilala ka at sincere sa panliligaw sayo, baka yan na nga ang binibigay ni God para sayo. Accept it. Love.

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here