Paano nga ba magmahal ng tunay?

Masarap ka bang magmahal? Malambing ka ba? Paano nga ba dapat para mas mapakita ang iyong tunay na damdamin sa iyong partner?

1.Maging laging mapagmahal- Kahit sa maliit o malaking pamamaraan ipakita at ipadama mo ang pagmamahal mo sa kapareha mo. May kusa sa parte mo ang pagpapadama ng pagmamahal sa kanya sa lahat ng oras.

2.May oras ka sa kanya- Sabi nga nila the greatest gift you can give is your time. Maglaan ka ng oras na makita, makasama, makausap at makinig sa partner mo.

3.Wag mawala ang that certain look mo sa kanya- Pag inlove ka sa isang tao, meron kang kaaibang espesyal na tingin sa kanya.

4.Gumawa kayo ng mga bagay na hilig o gusto niyo o nakasanayan-Kung mahilig kayo manood ng sine, kumain sa labas o magpamasahe ng magkasama, ipagpatuloy niyo ienjoy itong dalawa.

5. Subukan niyo ang mga bagong bagay- Iwasan maging pare-pareho ang gawain niyo pag magkasama kayo. Huwag kayo tumigil tumuklas ng mga bagong bagay o aktibidadaes na pwede niyo gawin o subukan.

6.Panatilihing nakakapukaw (exciting) ang inyong samahan- Sorpresahin mo ang partner mo. Bigla kayong mamasyal o mag out of town na walang plano. Maging bukas ka sa mga nakakapukaw na mga gawain.

7. Maging parehas ka sa kanya-Huwag mo kontrolin nag partner mo. Maging isang partner ka na marunong maging pantay.

8.Ituring mo na kayo at hindi ikaw lang-Dalawang tao kayo sa relasyon pero kayo ay dapat iisa na sa hangarin, sa puso at buhay.

9.Huwag magpapadaig sa negatibong maling akala- Madalas may mga naiisip ka na negaibo tungkol sa sarili mo at partner mo. Iwasan mo ito lalo na kung wala kang basehan.

10.Maging tunay na kaibigan din sa partner mo-Mas nagtatagal ang relasyon na hindi lang kayo partner pero best of friends din kayo. Minsan maganda na parang barkada kayo magbiruan at mag-usap.

11. Laging sabihin ang totoo mong nararamdaman-Hindi naman nakakabasa ang partner mo lagi sa iniisip mo. Matutong magsabi ng nasa loobin mo at ito din ang magiging daan para maging ganoon din ang partner mo saiyo.

12. Huwag kang magbilang- Ang pagpapkita mo ng pagmamahal ay kusa at galing sa puso mo. Wag mong subukan na sukatin  ang pagmamahal mo o ng partner mo. Hindi ito sukatan o bilangan o paligsahan kung sino ang mas.

13.Suportahan mo ang gusto o nais ng partner mo-Sa lahat ng bagay ay suportahan mo ang partner mo. Sa kanyang trabaho , pamilya niya, mga kaibigan niya at mga hilig niyang gawin. Maaring hindi ka 100% na sumang-ayon pero maging nandon para hikayatin pa din siya.

14. Gawin mo ang gusto ng partner mo at iwasan yung ayaw niya- Gawin mo ang mga bagay na kinalulugudan ng partner mo at hindi yung kinaayawan niya.

15. Huwag mong itulak ng palayo ang partner mo- Kung may hindi kayo pinagkakaunawaan, maiigi na lagi niyong ayusin at pag-usapan ng maayos.

16. Huwag maging sobrang seloso at selosa- Mahal mo ang partner mo dahil may tiwala, respeto at pag-ibig ka sa kanya. Masama ang masyadong pagiging seloso at selosa lalo na kung kilalang kilala mo ang partner mo at wala ka namang dahilan o pruweba para magselos.

Samahan ng dasal at ang relasyon niyo partner niyo ay ilagay ang Diyos sa sentro para ito ay maging matatag at pang habang panahon!

PhilippineOne Facebook

PhilippineOne YouTube

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here