Paano Mo Nasabi?: 8 Signs na Gusto ka Rin ng Crush Mo

0
178

Camille Jacinto

Camille Jacinto is a Senior Copywriter and Social Media Manager for a Christian events company which is funding a church in Sampaloc Manila. She took up Master of Arts in Communication at the University of Santo Tomas. Her long time dream is fulfilled because she is now using her gift of writing to make Jesus known to people, one family at a time.

Marami ang kumakalat na balita ngayon na hindi daw ganun kadali na magustuhan ka rin ng crush mo. Pero imposible nga ba talaga? Hindi ka nga ba talaga magugustuhan ng crush? Dapat ka na ba mag-give up? Read on.

Para sa ibang tao, hindi madali na mapa-inlove mo ang crush mo sayo. Pero pag may tiwala ka sa sarili mo, posible ang ang kahit ano. Kapag nasimulan mo na ang effort mo sa kanya, ito ang mga signs na gusto ka rin niya.

  1. Responsive siya sa mga texts at chats mo

Kahit simple lang ang sinabi mo sa kanya, nirereplyan ka niya agad at hindi siya nahihiyang i-express ang nararamdaman niya sayo. Mapapansin mo rin na mabilis siya magreply sayo at kahit tapos na ang topic na pinag-uusapan ninyo, magsisimula ulit siya ng bagong pag-uusapan. Usually kasi, pag hindi ka gusto ng isang tao, ni-hindi ka niya rereplyan o di kaya ay sobrang tagal bago siya mag-reply.

  1. Siya na ang nag-iinitiate ng usap niyo madalas

Dati, ikaw ang laging unang kumakausap sa kanya. Ngayon, mas gusto niya na mag-usap kayo kahit nasaan siya. Kahit busy siya, he takes the time to talk to you.

  1. Lagi ka niya tinatanong sa mga bagay na hilig mo

Gusto niya lagi yung mga topic na pinag-uusapan ninyo parehas yung interests ninyo. Hindi niya pinapalampas yung ganitong topic dahil sign na ito na interesado siya sa mga bagay na mas makikilala ka niya.

  1. Mapapansin mo ito sa kanyang body language

Pansinin mo ang physical contact niya sayo. Makikita mo how he acts when you are around. Minsan pa, hindi siya mapakali at hindi niya maitatago ang nararamdaman niyang saya kapag nandyan ka sa tabi niya.

  1. Pansinin mo ang mga exclusive information na shine-share niya sayo

Usually, hindi nag-oopen ang tao basta basta sa mga taong kakilala nila. Kahit pa sa kaibigan, hindi sila nagbibigay ng mga top secrets nila. Pero kapag magaan ang loob ng tao sayo at gusto ka niya, may tendency na i-open niya ang sarili niyang buhay sayo.

  1. Kakaiba ka niya tingnan

Makikita mo how he looks at you. Take this as a sign. Mapapansin mo sa mga kaibigan mo kung paano ka nila kausapin at tingnan at ikumpara mo sa crush mo. Mapapansin mo na mas iba siya makitungo sayo.

  1. Nahihiya siya sayo

Although open na siya sa feelings niya for you, mapapansin mo na nahihiya pa rin siya mag all out dahil may parte sa kanya na nirereserve niya bago pa man maging official na ang relasyon ninyo.

  1. Nandun siya kung nasaan ka

He makes sure na pupuntahan ka niya kahit nasaan ka man. Kapag may lakad ka na pwede siyang sumama, sasama siya agad agad sayo, walang tanong tanong.

More Relationships

More Heritage

More Filipino Teens

More I AM FILIPINO

More TIPS

More K-Pop

More Beauty and Health

More Vegan

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here