Paano mo masasabing mahal mo na ang isang tao

Latest posts by Maria Angela Gonzales (see all)

Hindi naman porke naguwapuhan o nagandahan ka sa kanya ay masasabi mo nang mahal mo siya. Infatuation lang ang nararamdaman mo sa kanya kung ang basehan ay panlabas na anyo lang. Ibig sabihin, mababaw lamang ang damdamin mo sa kanya kaya anumang oras ay maaari iyang mabago.

Ngayon, kung nais mo talagang masagot ang katanungang, Paano mo masasabing mahal mo na ang isang tao? Basahin mo ito.

Una, gusto mo siya laging makita. Para kasing kulang na kulang ang iyong araw kapag hindi mo siya nakikita. Kahit tuloy wala kang sakit, parang nanlulumo ka. Hindi mo rin mapigilan ang mag-alala kapag wala siya.

Pangalawa, nasisiyahan ka kapag siya’y kasama mo. Ang puso mo ay parang dumadagundong sa pagtibok. Iyon bang akala mo ay lagi na lang tinatambol. Kaya nga, kapag kasama mo siya ay nagkakandabulol ka.

Pangatlo, natataranta ka na kapag narinig mo ang kanyang boses. Kahit na anong ginagawa m, siguradong hihinto ka dahil kahit boses lang niya, nakakaramdam ka ng pananabik.

Pang-apat, natututo kang mangarap na kasama siya. Kapag nagmahal ka na, hindi ka na mangangarap para lamang sa sarili mo. Gugustuhin mo na kasing makapiling siya sa bawat araw ng iyong buhay. Kaya, kapag naramdaman mo na ito, siguradong kasalan na ang kasunod. Iyon nga lang, mas maigi kung ang lalaki ang unang makaramdam nito dahil kung handa na talaga siya, tiyak na magyayaya na siya ng kasal.

Panlima, ibig mo siyang ipakilala sa’yong pamilya at kilalanin din ang kanyang pamilya. Ibig mo siyempreng kapag nagkaroon kayo ng relasyon ay di ninyo itatago at mangyayari lang iyon kapag alam ng inyong pamilya. Kaya nga, kapag naiharap mo na sa’yong pamilya ang taong nagugustuhan mo ay nakakampante ka, lalo siyempre kung naramdaman mong tanggap ka ng kanyang pamilya at ganoon din siya sa’yo.

Pang-anim, tanggap mo ang buong pagkatao niya. Hindi perpekto ang taong iniibig mo kaya huwag mo lang mahalin ang kanyang mga katangian. Bagkus, tanggapin mo rin maging ang kanyang kapintasan.

Pampito, ang mahalaga sa’yo ay ang makapagpapasaya sa kanya. Para matiyak mo na mahal mo siya, nagagawa mong kalimutan ang pride mo at ang damdamin mo. Ang mahalaga lang sa’yo ay iyong makapagpapaligaya sa kanya. Kaya, kung sasabihin niyang may iba na siyang mahal, ibibigay mo rin ang kanyang kalayaan.

O. mahal mo ba siya?

MAG

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here