Paano mo mapapaibig ang isang Pilipina

Latest posts by PhilippineOne Contributor (see all)

ISA ka bang foreigner na na-in love sa’yong ka-chat na isang Pilipina? Well, well, well, hindi naman kataka-taka iyon dahil kaming mga Pilipina ay talaga namang kaakit-akit. Hindi man mala-Britney Spears and aming kagandahan, may kakaiba naman kaming ganda na hindi mapapantayan ng ibang lahi.

Super sweet kaya kami, maasikaso at the best kaming magmahal. Maliban doon, hindi kami salawahan. Basta titiyakin mo lang din na hindi ka two-timer. Kahit naman kasi gaano kabait kaming mga Pinay, nagiging girera kami kapag nagalit. Hindi mo naman siguro gugustuhin maputulan ng ‘kaligayahan’, ano?

Ngayon, nanaisin mo bang magmahal ng Pinay?

Kung sasabihin mong ‘oo’ , magandang desisyon ‘yan dahil kaming mga Pilipina ay naniniwala na mayroong ‘forever’ kaya kung makukuha mo ang puso ng isang  Pinay, daig mo pa ang nanalo sa lotto. Para kasi sa PInay na iibigin mo at iibigin ka ng tunay, tiyak na ang tingin sa’yo ay isang Prince Charming o isang knight in shining amour kaya dapat maging mabuti ka palagi sa kanyang paningin. Dahil para sa kanya, ikaw ang kanyang tagapagtanggol  palagi.

O, handa ka na bang magpaibig ng PIlipina?” Bago mo gawin ‘yan, kailangan mo munang malaman ang mga tips na ito. Siyempre, bago mo magawa iyon, dapat marunong kang bumasa at umintindi ng Tagalog. Gayunman, maaari ka namang kumuha ng Interpreter. Saka, huwag kang mag-alala, may English version ito.

Sige, game na nga.

Una, ipakita mo sa kanya kung gaano siya kahalaga sa’yong buhay. Magagawa mo ito kung bibigyan mo siya ng atensyon. Kung malapit ka lang sa kanya, lagi mo siyang tawagan at i-text. Ngunit, mas maigi kung makikipagkilala ka ng husto sa kanya. Magagawa mo ito kung pupuntahan mo siya sa kanilang tahanan at makikipagkilala ka rin sa kanyang pamilya. Kung ikaw naman ay nasa malayong lugar tapos hindi mo pa nakikita ng harapan ang iyong nililigawan, pumunta ka ng Pilipinas para mapatotohanan mo sa kanya na seryoso ka sa iyong nararamdaman.

Close family ties. Ibig sabihin, ang mga Pinay ay masyadong pinahahalagahan ang kanilang pamilya. Kaya, asahan mong kapag nagpunta ka sa kanilang tahanan ay haharapin ka rin ng kanyang pamilya. Huwag mo ring asahan na porke maganda ang iyong bihis at may magara kang sasakyan ay agad ka ng tatanggapin ng kanyang angkan. Sinasabi ko sa’yo, kakailanganin mong dumaan sa butas ng karayom. Maraming itatanong sa’yo ang kanyang pamilya lalo na ang kanyang ama at mga kapatid na lalaki na kailangan mong sagutin ng maayos.

Pangalawa, kailangan ay marunong kang rumespeto. Hindi porke nagmula ka sa kung anong bansa ay gagawin mo rito sa PIlipinas ang iyong mga nakaugalian. Hindi pupuwede iyong masyado kang prangka. Kailangan, pipiliin mo ang mga salitang sasabihin mo. Kung napipikon ka na sa mga biro sa’yo, kagatin mo na lang ang dila mo. Dahil kapag may hindi magandang salitang lumabas diyan, siguradong ‘yan na ang katapusan ng panunuyo mo sa isang Pilipina. Sabi ko nga sa’yo, mahalaga sa mga Pinay ang kanyang pamilya. Kaya bago mo makuha ang kanyang puso, kailangan mo munang makuha ang boto ng kanyang pamilya. Kung hindi mo magagawa ito, mag-babu ka na sa babaeng pinapangarap mong mahalin.

Pangatlo, kailangan mong maging masunurin. Hindi porke lumaki kang independent, wala ka ng susundin kundi ang iyong sarili. Aba, manliligaw ka sa isang PIlipina kaya dapat lang na ihanda mo na rin ang sarili mo sa pagsubok na haharapin mo sa’yong panliligaw. Tiyak na maraming iuutos sa’yo ang kanyang pamilya lalo na kung ang napili mong babae ay galing sa konserbatibong pamilya at naninirahan pa sa probinsiya. Tiyak na kakailanganin mong manilbihan sa kanyang pamilya. Kaya kung senyorito ka, huwag mo na ituloy ang panliligaw. Hindi mo kakayanin ang mag-igib ng tubig at magsibak ng kahoy.

Pang-apat, kailangan mong makisama ng husto. Hindi ka lang dapat sa pamilya niya makikisama, kailangan din sa kanyang mga kaibigan dahil importante sa babaeng mahal mo ang kanyang mga kaibigan. Ngunit, hindi ko naman sinabi ito para ubusin mo ang pera mo sa kakalibre. Saka, kahit pa sabihing galante ka kung nakikita naman ng mga kaibigan niya na hindi ka karapat-dapat pagkatiwalaan o sa tingin nila ay ang panlilibre mo ay bahagi lang ng iyong kayabangan, tagilid ka pa rin diyan. Tandaan mo, ayaw ng mga Pilipina sa mayayabang.

Pang-lima. Huwag kang sisipol kapag nakakita ka ng ibang babae. Hindi man masama ang humanga sa babaeng maganda at seksi kaya lang hindi mo ito dapat gawin sa harapan ng iyong nililigawan. Tiyak na mag-asawang sampal ang aabutin mo sa kanya dahil kabastusan iyon. Biro mo, siya ang nililigawan mo tapos ibabaling mo ang tingin mo sa ibang babae. Hah, huwag mo ring isipin na maaari mo ring sipulan ang iyong nililigawan dahil tiyak na ikati-turn off niya iyon. Ang iisipin pa niya ay hindi ka magiging loyal sa kanya. Siyempre, ang mas nakikita mo sa kanya ay ang mukha at katawan niya na maaari mong pagsawaan sa paglipas nang panahon. Kaya, kung hindi ka pa sigurado sa’yong nararamdaman huwag ka na tumuloy.  Dahil nga ang gusto ng isang Pilipina ay iyong lalaking magiging loyal sa kanya.

O, ngayon, kaya mo bang gawin ang mga ito?

Written by Maria Angela Gonzales

Maria Angela Gonzales has lived in Tondo since birth but her family provided and gave her all the love she needed to secure a better future. She  dreams of becoming the next JK Rowling but for now she enjoys writing romance novels, horror stories and articles.  

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here