Paano Malalaman Kung Magtatagal Ang Inyong Relasyon?

0
214

Geraldine Monzon

Geraldine Monzon; Writer in komiks/pocketbooks/newspaper/indie film
My motto in life is; Be stronger than your excuses. If you can't say it, write it.

Latest posts by Geraldine Monzon (see all)

Sigurado ka bang magtatagal ang inyong relasyon? Siguro ang isasagot mo ay ‘Ewan ko’ O kaya ay ‘Sana’. Pero paano nga ba malalaman kung magtatagal ang isang pagsasama? May paraan ba para malaman ito? Meron naman. Kailangan mo lang kausapin ng masinsinan ang iyong sarili. Isang seryosong pakikipag-usap sa sarili upang malaman mo ang iyong inner thoughts at inner feelings.Kung minsan kasi, sa sobrang busy natin sa trabaho at sa iba pang bagay ay hindi na natin nabibigyan ng panahon ang sarili natin na makapagmuni-muni. Mahalaga ito. Hindi kabaliwan ang kausapin ang sarili. Mahalagang maintindihan mo muna ang sarili mo bago ka maintindihan ng ibang tao.

Narito ang mga katanungang pwede mong ibato sa iyong sarili.

1.Hanggang saan ang limitasyon na kaya mong ibigay para sa iyong relasyon?

Kung minsan nagstay tayo sa isang relasyon dahil hindi na tayo sanay na mag-isa. Takot na tayong harapin ang buhay na walang umaalalay sa atin. O gusto natin na panatilihing buo ang ating pamilya kahit pa alam natin na hindi na ganoon ka-solid ang love at respect sa isa’t-isa. Kung gano’n, hindi natin binibigyan ng limitasyon ang ating sarili. Ibig sabihin ay handa tayong magtiis at magsakripisyo para lang ma-keep natin ang relationship na hawak na natin. Kung hindi mo naman ito kaya, that means na may hangganan kang naka-set up at anytime ay pwede kang bumitaw sa iyong relasyon kung hindi na ito healthy para sa inyong dalawa.

2.Kakayanin mo bang gampanan ang iyong responsibilidad at obligasyon sa inyong pagsasama?

Kung kaya mo dapat handa ka na maibigay ang katumbas na porsiyento ng pagmamahal na ibinibigay niya sa’yo o higit pa. Handa ka sa isang seryosong commitment at hindi yung parang naglalaro lang. Kung sa tingin mo ay medyo mabigat at hindi mo kakayanin na tapatan ang pagmamahal niya, na samahan siya sa kanyang mga interes sa buhay at maging tapat sa kanya, malinaw na ang inyong relasyon ay walang patutunguhan sa oras na magsawa kayo sa isa’t-isa at makakita ng iba.

3.Handa ka bang maging tapat sa lahat ng oras?

Ang pagiging tapat ay hindi lang dapat sa kanya kundi maging sa iyong sarili. Handa ka bang sabihin sa kanya ang nilalaman ng iyong damdamin kung hindi ka na masaya? Kung sakali naman na makakilala ka ng iba, kaya mo ba itong iwasan para sa kanya? Kung oo ang sagot mo, malaki ang posibilidad na magtagal ang inyong pagsasama. Pero kung may mga lihim na mamamagitan sa inyo, anytime ay maaari itong mabuwag. 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here