PAANO MALALAMAN KUNG ANG ISANG GAMIT AY ISINUMPA AT MAY KAKABIT NA KAMALASAN

0
1110

Karaniwan na ang paggamit ng mga bagay upang makapaghatid ng sumpa o kamalasan sa isang tao. Ang mga black magic practitioner ay karaniwang gumagamit ng manika, kuwintas, at iba pang bagay na galing sa taong kanilang nais sumpain o bigyan ng malas. Ang object na ito ang nagsisilbing conduit (daluyan) o vessel (tahanan) ng kamalasan at sumpang nais nilang ibigay sa isang tao.

Karamihan sa mga kagamitan na nakapitan ng sumpa ay precious o may halaga, tulad ng mga heirloom jewelries, furniture, at statue.

Kadalasan na ang isang bagay ay kinakapitan rin ng sumpa o malas kahit hindi pa intensiyon ng isang tao. Ang mga negatibong emosyon tulad ng galit at pagkasuklam ay maaari ring kumapit sa mga gamit o personal belongings ng isang tao.

Ang negatibong enerhiya (sumpa at kamalasan) na nakadikit o nakakapit sa isang bagay ay lumilipat at nananahan sa atin dahil tayo ay may energy field.

******

PAANO MATUTUKOY KUNG ANG ISANG BAGAY AY MAY NAKAKAPIT NA SUMPA O MALAS?

Madali lamang malalaman kung ang isang bagay ay may “karga”. Ito ay mararamdaman kadyat kapag nahawakan mo ang nasabing bagay sapagkat ikaw ay makararamdam ng pagkahilo. Sa pangmatagalang epekto, ang pagmamay-ari ng mga bagay na may nakadikit na malas at sumpa ay magdudulot ng palagiang pagkakaaksidente at pagkakasakit, kahirapan sa pagtulog, pangingilabot at mabigat na pakiramdam, at bangungot. At siyempre pa, ang isa sa pinakamalinaw na palatandaan ay lagi kang minamalas na tipong kahit ano ang gawin mo ay hirap kang makaahon. Ang mga tao sa loob ng inyong bahay kung nasaan ang may sumpang bagay ay laging nagkakagalit at hindi nagkakasundo.

*****

PAANO TATANGGALIN ANG MALAS

Ito ay natutuhan ko sa kaibigan kong antique dealer. Bilang antique dealer, bahagi na ng buhay ng aking kaibigan na makahalubilo ng mga antigong kasangkapan at alahas. Katunayan, ang kanilang bahay ang nagsisilbi nilang shop. Ang kaibigan ko na rin mismo ang nagsabi na bagama’t skeptic siya pagdating sa paranormal, hindi niya ikinakaila na may nararamdaman siyang kakaiba at kilabot na hindi maipaliwanag sa karamihan sa mga antigong bagay sa kaniyang shop. May nakapagturo sa kaniya na upang matanggal ang anumang malas o sumpa na nakakapit sa kasangkapan, ito ay kailangang hugasan ng tubig na may asin bago ipasok sa bahay. Ito ang naging kaugalian niya bago niya ipasok sa kanilang shop ang anumang antigong bagay na kaniyang nabibili.

May katotohanan sa practice na ito ng aking kaibigan. Ang asin ay may neutralizing properties. Ito ay nakapagtatanggal ng anumang negatibong energy sa isang bagay. Ito rin ang dahilan kaya hindi nawawala ang asin sa anumang rituwal na may kinalaman sa proteksiyon at pagkontra.

Bukod sa asin, maaari ring gamitin ang herb na hyssop. Ang hyssop ay itinuturing na ultimate cleansing herb. Ang kapangyarihang taglay ng hyssop ay suportado ng Bibliya. Katunayan, ito ay mababasa sa Psalm 51:7, “ Linisin mo ako ng hisopo, at ako’y magiging malinis: hugasan mo ako at ako’y magiging lalong maputi kay sa nieve.”

Upang magamit ang kapangyarihang taglay ng hyssop upang matanggal ang masamang enerhiya, sumpa, at kamalasang nakakapit sa isang bagay, ibabad lamang ang pinatuyong dahon ng hyssop sa maligamgam na tubig sa magdamag. Ipanghilamos o ipanghugas ang pinagbabaran ng hyssop sa kagamitang kinapitan ng sumpa at malas sa umaga ng Biyernes. Ito kasi ang Araw ni Anael na Arkanghel ng Pag-ibig at Magagandang Bagay.

*******

ANO ANG GAGAWIN KUNG NANANATILI PA RIN ANG SUMPA AT KAMALASAN PAGKATAPOS SIRAIN AT ITAPON ANG GAMIT

Ang iba ay kaagad na itinatapon at sinisira ang isang bagay sa sandaling malaman nilang ito ay may karga. Ngunit ang masama, ang simpleng pagtatapon at pagsunog ng gamit na may karga ay hindi garantiya na mawawala ang sumpa. Tandaan na ang naturang bagay ay nagsisilbi lamang conduit o vessel. Ang totoo, kaya patuloy ang kamalasan ay dahil lumipat na sa iyo ang negatibong enerhiya mula sa bagay na sinira mo.

Dito masusubukan ang kapangyarihan ng itlog. Kumuha lamang ng pitong sariwang itlog—isang itlog para sa isang araw, isang baso ng tubig, at asin.

Gawin ito sa pitong umaga, simula sa araw ng Sabado—ang araw ng Saturn archangel na si Cassiel na siyang humaharang sa lahat ng kamalasan sa buhay.

Sa bukangliwayway, hawakan ang isang itlog. Isipin ang lahat ng kamalasang nangyayari sa buhay. Ilipat lahat ito sa itlog na hawak. Sa sandaling makaramdam ng pagginhawa ng pakiramdam, basagin ang itlog sa lupa at saka ito tabunan. Ulitin ang rituwal hanggang sa maubos ang pitong itlog.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here