Paano makakaiwas sa tukso?

Ang tukso ang isa sa mga malalaking problema na kinakaharap ng isang pamilya. Kadalasan ito ang dahilan kung bakit nasisira ang isang magandang relasyon. Yung akala mo ay almost perfect na ang lahat pero isang araw ay magigising ka na lang na ang smooth sailing ninyong samahan ay namemeligro na pala. Para itong snatcher na hindi mo alam kung kailan aatake. Na kahit na anong higpit ng pagkakahawak mo sa pag-aari mo ay magagawa pa ring agawin sa’yo. Kung ikaw ang malalagay sa gitna ng tukso, paano mo nga ba ito maiiwasan?

1.Alalahanin kung ano ang mas mahalaga sa’yo. Ang pagsasama bang pinaghirapan ninyong buuin ng kasalukuyan mong kinakasama o ang inaakala mong bagong pag-ibig na maraming bitbit na pangako para sa’yo sa hinaharap? Ito ay hindi pwedeng magpantay, merong tiyak na mas magiging matimbang.

2.Magfocus sa mga bagay na pinagkakaabalahan para sa pamilya tulad ng negosyo o anupamang trabaho. Habang ikaw ay abala mas less ang chance na magkaroon ka ng time para sa tuksong umaaligid sa’yo.

3. Huwag hanapan ng butas ang inyong pagsasama para lang magkaroon ka ng dahilan na kagatin ang tukso na handang samantalahin ang kahinaan mo at ng inyong pagsasama. Iwasan ding hanapin sa iba ang wala sa iyong kapareha. Minahal mo siya sa kabila ng kanyang mga pagkukulang kaya huwag mo itong gawing dahilan para mabaling ang atensyon mo sa iba.

4.Hindi maiiwasang humanga sa iba, subalit dapat alam mo kung hanggang saan lang ang paghangang ito. Kapag ito ay kinunsinti mo at binigyan ng iba pang kulay sa iyong puso, ito ay posibleng mauwi sa mas malalim pang paghanga at pagmamahal.

5.Tuklasin ang iba pang katangian ng iyong mahal dahil baka maging daan ito para lalo mo siyang mahalin o maibalik ang init ng nanlalamig mong damdamin para sa kanya. Ugaliing ipagdasal ang inyong pagtitinginan at pagsasama upang hindi ito madaig ng tukso.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here