Paano maka-move on, ayon sa sikolohiya

    0
    166

    Ikaw ba ay kasalukuyang nagluluksa sa pagkawala ng isang pag-ibig na akala mo ay forever na? Nahihirapan ka ba mag-move on dahil hindi mo alam kung paano sisimulan? Sundin ang mga sumusunod na paraan upang mas mabilis na maka-recover ang iyong puso mula sa pagkawasak nito.

    1. Cut off contact/iwasan ang pakikipag-usap sa ex

    Kailangan mo siyang tanggalin sa buhay mo. Tigilan ang pakikipag-usap sa ex. Mapa-text, viber, o email. I-block o I-unfollow din siya sa mga social media sites tulad ng Facebook, Twitter at Instagram at tigilan ang pag-stalk sa kanya. Kailangan mo itong gawin para hindi ka ma-obsess sa kakatingin ng mga pangyayari sa buhay ng ex mo. Ang utak mo ngayon ay kagaya ng isang drug addict na nagbabagong-buhay o smoker na tumigil sa kanyang bisyo. Ikaw ay addict sa ex mo at kasalukuyang nakararanas ng mga sintomas ng widthrawal. Kitilin ang pagka-lulong. Burahin ang mga dating usapan, texts, at mga litrato. Ilagay sa isang box at itago o itapon ang mga bagay na makakapag-paalala sayo ng inyong relasyon. Out of sight, out of mind dapat.

    • Mag excercise

    Sa ganitong panahon, kasabay ng pag-alis ng ex mo sa buhay mo, ang iyong utak ay nagkakaroon ng chemical imbalance o pagbaba ng serotonin, na isang neurochemical na nagbibigay sa atin ng masayang pakiramdam. Ito ang dahilan kung bakit ikaw tila baga’y isang zombie. Walang ganang kumain, hindi makatulog, o sobra sa pagtulog, at nagiging malungkutin. Isa sa mga aktibidad na nakakapagpataas ng happy hormones ng ating utak ay ang ehersisyo. Mag-zumba, mag-enroll sa gym, tumakbo, o mag-home excercises. Mahalaga na makakuha ang ating katawan na hindi bababa sa 15-minutong ehersisyo araw-araw.

    • I-timing ang pag-luluksa

    Bayaan ang sarili mong magluksa o malungkot sa pagkawala ng relasyon niyo ng ex mo, pero orasan mo ito. Halimbawa, sa umaga, hayaang malungkot ang sarili ng 15 minutos hanggang 30 minutos, tapos, huwag na isipin ang kahit anong bagay tungkol sa inyong relasyon sa buong araw. Kada susunod na araw, o hanggang kaya na, bawasan ang oras ng pagluluksa. Kunyari, 30 minutos ngayong araw, kinabukasan ay 20 minutos na lamang. Mararamdaman mo na kusa ang pagsasawa sa pagkalungkot at makikita mo na lamang na unti-unting lumiliit ang oras na ginugugol sa pagkalungkot mo sa ex mo.

    • Go Out

    Sumama sa lahat ng yaya ng mga kaibigan. Gumimik. Mag-mall, bumili ng paborito mong pagkain(siguraduhin na ito’y masustansya) Manood ng sine. Mag re-connect sa mga kaibigan. Maging social ngayon na nagpapagaling ang ating utak mula sa isang “emotional blow” o pagkabugbog. Mahalaga na magre-connect tayo sa ating mga attachment systems nawala na ang ating primary attachment system(ex). Medyo nagaalangan man ang damdamin sa ganitong ideya, ayon sa mga eksperto, mainam daw na isabuhay ang “fake it til’ you make it.” na motto sa mga ganitong panahon. Sa umpisa kailangan mong I-fake o magkunwaring masaya ka at di maglalaon ay makararamdam ka ng tunay na kaligayahan.

    • Mag-focus sa sarili

    Ngayong panahon na ikaw ay nakaranas ng psychological wound, dapat mong ingatan ang iyong sarili. Bantayan ang sarili kung masyado nang nagiging malungkutin, at baka kailangan mo nang magpatingin sa doktor. Hindi rin masama na humingi ng tulong sa panahon na ito mula sa iyong mga kaibigan at pamilya. Mas mainam na mayroon kang support system. Ibaling ang atensyon sa mga bagay na makakapag-pasaya sayo katulad ng mga dating hobby, mga interes, pati na sa trabaho. Mas isipin ang sarili at pag-unlad kaysa sa ex.

    Naiiintindihan ko na sa mga panahong ganito ay mas gugustuhin nating mag-mukmok na lamang at umiyak sa bahay habang nanonood ng telenovela at kumakain ng isang galong ice cream ngunit hindi iyon ang pinaka-mabisang paraan ng pagmo-move on. Dapat mong alagaan ang sarili mo lalo na ngayong ikaw ay may iniindang sakit ng damdamin at huwag magpapadala sa mga impulse mo na makakasama sayo. Be your own best friend. Lilipas din ‘yan.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here