Paano Maipasa ang Versant Exam?

0
59

Isa sa pinakapopular na exam sa call center industry ang Versant. Kung nasubukan mo nang mag-apply dati, malaki ang tyansa na nagawa mo na ito. Kung baguhan ka naman, narito ang lahat ng dapat mo malaman.

Ang Versant ay isang computer program na sumusukat sa kakayahan mo sa Ingles. May anim itong parte.
1. Reading. Kailangan mo lang basahin kung ano ang hinihingi.
2. Repeating. Kailangan mo ulitin kung ano ang sinabi ng program.
3. Question and answer. May mga tanong kang maririnig at kailangan lang piliin ang tamang sagot.
4. Arranging. Kailangan mo lang ayusin sa tamang pagkakasunod-sunod ang sentence na narinig mo.
5. Story retelling. Pakinggang ang isang kwento sa loob ng 30 segundo. Pagkatapos, kailangan mo ikwento ito ulit sa sarili mong paraan at salita.
6. Open ended question. Kailangan mo lamang sagutin ang tanong ng dirediretso sa loob ng 40 segundo.

Ngayon na alam mo na ang mga parte, narito ang dapat mo alalahanin para makapasa.

1. Lakasan ang boses. Huwag sumigaw, pero siguraduhin na sapat ang lakas ng iyong boses para maintindihan ka ng program.

2. Linawin ang pagbigkas ng mga salita. Ipronounce ng maayos ang mga salita. Tip: lakihan ang pagbuka ng iyong bibig para mas malinaw ang tunog ng mga salita.

3. Sumunod sa instructions. Napaka-importante nito lalo na sa unang tatlong parte ng exam. Sa reading, may listahan ng mga pangungusap na ibibigay saiyo. Siguraduhin na basahin lamang kung ano ang hinihingi. Sa repeating naman, subukan na maulit lahat ng salita na narinig mo. Kung may nakalimutan kang salita, pwede mo ito laktawan basta nasa tamang ayos pa rin ang mga susunod na salita. At sa question and answer, hindi na kailangan sumagot ng kompleto. Simpleng sagot lang ay ayos na. Halimbawa: Anna is thirsty. Will she drink or eat? Sagot: “drink” imbis na “she will drink.”

4. Wag magkaroon ng dead air. Ito ay importante sa huling dalawang parte ng exam. Hangga’t maaari huwag huminto sa pagsasalita hanggang hindi pa tapos ang oras. Isang strategy na pwede mo gawin ay bagalan ng konti ang iyong pagkwento para hindi ka maubusan ng sasabihin. Gumamit lang din ng mga simpleng salita para maiwasan na magkamali.

5. Huwag ulitin ang mga sinabi. Kung natapos mo na ang pagsagot at may ilang segundo pa bago ang beep, mag-isip ng ibang bagay na pwede mong idagdag imbis na ulitin ang iyong sinasabi. Halimbawa: “That is all” o kaya “I think I’ve mentioned all of the details.” Simplehan mo lang hanggang maubos ang oras.

6. Huwag magdasal o kumanta. Isa sa pinakapopular na tip sa internet ay ang pagkanta o pagdasal sa huling dalawa parte ng exam. Akala ng iba, dahil sa computer program lamang ang Versant ay hindi na importante kung tama ba ang iyong sinasabi. Pero ang hindi nila alam ay advanced na din ang exam na ito, at kayang madetect kung iba ang iyong sinasagot sa hinihingi nila. Bukod pa diyan, may kopya din ng recording mo na pwedeng icheck ng mano mano ng recruitment team.

7. Huwag mangdaya. Madalas, nasa kanya kanyang cubicle kayo habang ginagawa ang exam. Huwag mandaya! Marami ang naiisipang isulat ang naririnig lalo na sa story retelling na parte, pero tandaan na kayo ay inoobserbahan habang nag-eexam. Ipinagbabawal ang pagkuha ng notes sa exam na ‘to, kaya kapag ikaw ay nahuli tiyak na hindi ka na matatanggap sa trabaho.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here