Paano maibsan ang pangangamoy pawis ng katawan

Ngayong subrang napakainit ng panahon, siguradong  tagaktak lagi ang  pawis natin sa katawan

Alam naman natin na ang pawis na ito ang isa sa mga dahilan  ng pangangamoy ng katawan?  Sa totoo lang  lahat naman ng tao ay mayroong pleasant smell ngunit nagsisimula itong maging hindi kaaya-aya kapag dumadami ang bacterial o mekrobio.

“Nagkakaroon lang tayo ng bad smell kapag nagkakaroon ng overgrowth ng bacteria. Kapag napabayaan na naiwan o napawisan tayo. Or kapag naiiwan na soiled ‘yung damit at hindi napapalitan,”

Upang ito ay maiwasan.  Narito ang mga kailangan na gawin.

White o apple cider vinegar.  Isa sa pinaka-epektibong paraan para dito

“Ang role kasi ng suka since acidic siya is inu-neutralize nito ‘yung skin PH so kapag na-neutralize na, hindi na dadami at kakalat pa  ang bacteria at napapatay na.”

Maglagay ng kaunting suka sa bulak na siya mong ipahid sa iyong kili-kili  singit, at sa iba pang madalas na nangangamoy na parte ng katawan.   Ugaliin itong gawin ito matapos maligo.  Ito ay isang replacement sa mga deodorant, kung inaalala mo ang amoy nito ay mawawa din ito katagalan

Baking soda o cornstarch ay mabisading  pantanggal ng ating pawis.  Ina-absorb niya ang moisture ng ating mga balat  tsaka ina-absorb niya ang  pawis kaya  hindi na tutubo ang mekrobio.  Puwede itong gamitin bilang powder o puwede rin namang haluan ng mga  essential oils na naayon aa lasa ng iyong pang amoy.  

Ugaliin din ang  maligo ng dalawang beses araw-araw lalo na sa panahon ng tag-init.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here