PAANO MAGKAPAG IPON

Marami sa atin ang nahihirapan mag ipon ngunit kinakailanganan, maaring magiipon lang sa una ngunit nauuuwi rin ito sa gastos. O kaya naman ay hindi talaga nakakapag ipon dahil palaging nauubos at walang matitira. Kaya naman narito kami upang tulungan ka.

1. IRECORD MO LAHAT NG GINAGASTOS MO minsan gastos lang tayo ng gastos at hindi napaplano kung saan ba natin ipupunta ang ating pera o kung saan man itong lumalop napunta.Para naman malaman kung saan napupunta ang pera mo at mas maayos na ma-budget ito ay ugaliing itabi ang mga resibo ng lahat ng pinamili o pinagkakagastusan mo. Mula dito ay gumawa ka ng cash flow statement at balance sheet. Ang cash flow statement ay ang record ng mga gastos mo buwan-buwan na kung saan ang maari mong maging reference ay ang mga resibong itinabi mo.

Samantalang, ang balance sheet naman ay ang naglalaman ng total assets mo o ang lahat ng pag-aari mo na na-acquire maski bahay-lupa man yan o bagong cellphone minus sa utang mo o loans.

2. PAGISIPAN NG MABUTI ANG BIBILHIN AT MAGLAAN NG ORAS RITO. Huwag hayaan magoyo ka nanaman at mapagastos Gamitin ang 24-hour rule o delayed gratification strategy para maiwasan ang impulse buying.

Paano mag-ipon kung mahilig kang mamili? Kung mamimili ng isang bagay o luxury magpalipas muna ng 24 oras bago bilhin ito para mapag-isipan mong mabuti kung kailangan o gusto mo lang bang bilhin ito. Magagamit ang rule na ito lalo na sa panahon ngayon na uso ang online shopping na kung saan anytime kapag buo na ang isip mo ay madali mo nalang mai-add o made-delete sa cart mo ang item na pinagiisipan mong bilhin.

3. GUMAWA NG BUDGET PLAN

Mahirap kung wala kang plano dahil mapapagastos ka nalang talaga.Ngayong meron ka ng idea kung anu-ano ang mga pinag kakagastusan mo sa isang buwan, maaari ka ng gumawa ng budget para ma control mo ang iyong pag gastos, maiwasan ang labis na pag gastos, at huwag na huwag mong kakalimutang isali sa iyong budget ang emergency savings fund. Ito ay isa sa pinaka importanteng category sa iyong budget. Tandaan, kailangan mong isama sa iyong budget ang mga gastusing nangyayari palagi (pero hindi buwan buwan) kagaya ng maintenance ng bahay o ng sasakyan.

4. ALAMIN ANG IYONG MGA PANGANGAILANGAN Bawat isa sa atin ay may kanya kanyang priorities sa buhay. Kung ikaw ay may sariling pamilya, maaari na ang priorities mo ay ang iyong mga anak at asawa. Kung ikaw naman ay single, maaaring ito ay ang iyong magulang o mga kapatid. Alamin kung ano ang pinaka importanteng goals na gusto mong makamit. Kasama sa hakbang na ito ay ang pag papasya kung gaano ka handang mag antay para makamit ang iyong goal at kung magkano ang kaya mong itabi para dito.

Maraming salamat sa inyong pagbabasa

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here