Paano maging isang produktiobong estudyante

0
83
Mheanne Saclet

Mheanne Saclet

Kaibigan ng kabataan
Mheanne Saclet

Latest posts by Mheanne Saclet (see all)

Nahihirapan ka na ba sa iyong pag-aaral? Bakit ko pa ba tinatanong, aba syempre oo lahat naman tayo eh, pero wag kang magaalala dahil narito ang mga payo na makakatulong upang mapagaan ang iyong pagaaral.

1. Matulog ng maaga- ito ang pinaka mahalaga sa lahat , mas magiging produktibo ang iyong isipan at katawan kung may sapat na enerhiya ito para sa araw. Kung ikaw ay kulang sa tulog ikaw ay aantukin na syang dahilan upang hindi mo maintindihan ang tinuturo ng iyong guro o makatulog. At mahihirapan din ang iyong utak upang makakuha  o maka pag proseso ng impormasyon. Hindi lang ito makakatulong sa iyong pagaaral kundi makakatulong rin ito sa iyong balat.

2. Humanap ng maayos na kaibigan- ika nga nila “birds with the same feather flock together”, kaya kung ikaw ay mayroong mga maayos na kaibigan mahahawa ka sa kanila ngunit kung may roon kang hindi mabuting kaibigan maaring masama ka din sa kanila. Ang mga kaibigan ang isa sa may pinaka malakas na impluwensya sa atin kaya naman kung gusto mong magkaroon ng produktibong buhay humanap ka ng produktibong mga kaibigan.

3.Gawin agad ang mga iniatas na gawain- bilang isang estudyante napaka laking tulong ang pag gawa agad ng mga gawain dahil kung hindi mo agad gagawin ang mga ito maaring matambakan ka at mastress na hindi mo nanaising mangyari. Mas magkakaroon ka ng oras para sa sarili mo at mapapanatili mo pa ang iyong sarili na stress free dahil sa mga gawaing pang eskwela.

4. Laging alalahanin ang iyong mga inspirasyon- lahat tayo ay may kanya kanyang inspirasyon hayaan natin na ang mga ispirasyon na ito ay bumalot sa ating isipan ng sagayon ay magkaroon tayo ng mas mataas pang enerhiya at gana sa pagaaral.

5. Maglaan ng note book o planner- karamihan sa ating mga estudyante ay makakalimutin dahil sa dami ng gawain na ating kailangang gawin kaya naman isa sa mga maipapayo ko ay ang pag gawa ng planner o pagsusulat ng mga kailangan mong gawin na talaga namang makatutulong sa iyo upang malaman ang mga kailangan mong gawin at hindi ka malito.

6. Bumili ng mga gamit pang eskwela na iyong nais- dahil kung ang iyong mga gamit pang eskwela ay maganda sa iyong paningin makakadagdag ito ng gana sa iyo upang maging mas produktibo sa pag aaral dahil nga masaya ka sa iyong mga gamit pang eskwela.

7.Gumamit ng highlighter- Napakalaking tulong nito lalo na sa pag rereview dahil makakatulong ito upang matandaan mo ang mga mahahalagang detalye sa iyong pag rereview.

At iyan ang aking mga payo upang maging isang produktibong estudyante kung roon kapang idadagdag mag comment ka lamang ito ay magiging malaking tulong para sa mga kapwa mo estudyante

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here