Paano magiging successful ngayong etneb etneb?

Ang bilis lumipas ng panahon. Parang kailan lang ay pumapasok pa lang ang taong 2000. Ngayon ay dalawampung taon agad ang matuling lumipas. Sa loob ng napakahabang panahon na ito , ano ang naabot o narating mo sa buhay? Meron ba o wala? Nakakagulat diba? Na sa dalawang dekadang lumipas ay parang parehas pa rin ang kalagayan mo sa buhay o kung may nabago man ay konti lang at halos walang pinag-iba sa dati. Pero kung titingnan mo ang iba, bakit tila ang laki ng nagawa nilang pagbabago sa kanilang buhay? Meron ba silang sikreto o sadyang alam lang nila ang tamang diskarte? Kung nangangapa ka pa, narito ang ilang payo para ikaw naman ang maging successful ngayong taong etneb etneb o bente bente.

1.Magtiwala ka sa iyong sariling kakayahan at magtiwala rin sa iba kung kinakailangan.

2. Ilabas ang natatagong talento dahil baka ito pala ang makakatulong sa’yo para ikaw ay guminhawa sampu ng iyong pamilya.

3.Alisin ang pagdududa sa mga oportunidad na dumarating. Dapat ay laging maging buo ang iyong desisyon. Pero bago magbitaw ng pagpapasya ay siguraduhin na sampung beses itong napag-isipan upang maiwasan ang pagkakamali.

4.Mag-isip ng bagong diskarte kung paano mapapaunlad ang negosyo kung ang mga nakaraan mong diskarte ay hindi naging epektibo sa’yo.

5.Alisin ang mag negativitiy sa iyong buhay gaya ng pakikihalobilo sa mga negatibong tao tulad ng mga tsismosa, mapanirang tao , reklamador, palautang, tamad at gayundin sa mga taksil sa kanilang mahal sa buhay.

6.Kung ikaw naman mismo ang negatibong tao na nabanggit sa number 5, dapat mo nang linisin ang iyong pagkatao nang sa gayon ay malinis mong maabot ang tagumpay.

7. Gawing positibo ang awra, ang paligid at ang mismong pag-iisip nang sa gayon ay maakit mo ang ganda ng kapalaran na naging mailap sa’yo nung nakaraang taon.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here