Paano Mag-Apply para sa PAG-IBIG HOUSING LOAN

0
57

Alam mo ba na sa kasalukuyan, 60% lamang ng mga Pilipino ang may sarili nilang bahay? Sa katunayan, karamihan ng mga Pilipino na nagtatrabaho ay mas pinipili na lamang mag renta imbis na bumili ng sarili nilang lupain. Ayon sa survey na ginawa ng Zipmatch noong 2015, isang malaking dahilan nito ang kakulangang pinansyal ng mga Pilipino para magbayad ng deposit. Marami rin ang hindi sigurado kung kakayanin nilang magbayad buwan buwan, o di kaya’y hindi talaga kasya ang kinikita upang makapag ipon ng pambili ng bahay.

Pero ang hindi alam ng karamihan ay may madaling paraan para magka-bahay: kumuha ng Pag-IBIG Housing Loan.

Ang Pag-IBIG Fund o Home Development Mutual Fund (HDMF) ay isang ahensiya ng gobyerno na naglalayong magbigay ng mura at abot-kayang pabahay sa mga Pilipino sa pamamagitan ng pagbigay ng loans sa mga miyembro nito.

Dalawang Uri ng Housing Loan

Mayroong dalawang uri ng housing loan sa Pag-IBIG, ang Affordable Housing Loan Program at End-User Home Financing Program.

Ang Affordable Housing Loan Program ay pwedeng applyan ng Pinoy na kumikita ng 12,000-14,000 (provincial) at 15,00-17,500 (NCR). Kung pasok ka sa Affordable Housing Loan, pwede kang mag loan ng hanggang P750,000 na pwedeng bayaran sa loob ng 30 taon sa 3-6.5% interest rate.

Sa ilalim naman ng End-User Home Financing Program, maaari kang humiram ng hanggang P6 Milyon na pwedeng bayaran sa loob ng 30 taon sa 5.5% interest rate.

Para makapag-apply, kailangan lamang ay pasok ka sa sumusunod na requirements:

1. Miyembro ng Pag-IBIG.

2. Nakapaghulog ng 24 buwan kontribusyon. Kung hindi pa umaabot ng 24 buwan ang iyong kontribusyon, pwede mong bayaran ng lump sum ang iyong kulang sa halagang 200/buwan basta ikaw ay nakapaghulog ng 12 dirediretsong buwan bago mag apply para sa loan.

3. Hindi higit sa 65 taon gulang, at hindi higit sa 70 taon gulang sa maturity ng loan.

4. May legal na kapasidad na bumili at kumuha ng ari-arian.

5. Pumasa sa background, credit, at employment check.

6. Walang Pag-IBIG Fund short term loan at arrears sa araw ng pag apply ng loan.

7. Walang Pag-IBIG housing loan na na foreclose, cancel, o subjected sa dacion en pago.

8. Kung ikaw ay kasalukuyang may housing account, kailangan ito ay updated sa araw ng pag apply ng loan.

Kung ikaw ay pasok sa requirements, pwede ka nang mag-apply para sa Pag-IBIG Housing Loan. May dalawang paraan para mag-apply:

1. Mag set ng appointment online. Mag schedule ng appointment sa Online Housing Loan Application sa www.pagibigfund.gov.ph/housingloan. May espesyal na counter para sa mga Pinoy na nag set ng appointment online kaya mas mapapabilis ang iyong proseso kung ito ang gagawin mo.

2. Mag walk in sa Pag-IBIG branch. Pwede ka ring mag apply ng personal sa kahit anong pinakamalapit na Pag-IBIG branch sayo.

Siguraduhing dala mo ang mga kailangang dokumento sa pag-punta sa opisina:

1. P1000 para sa processing fee, at P2000 para sa appraisal fee

2. Accomplished Housing Loan Application Form

3. Proof of income

4. Photocopy ng isang valid ID (harap at likod)

5. Certified True Copy ng Transfer Certificate of Title (TCT)

6. Photocopy ng Tax Declaration (house and lot) at Real Estate Tax Receip

7. Map o vicinity sketch ng property

Matapos mag-apply sa Pag-IBIG branch, kumpleto na ang iyong application! Hintayin na lamang ang Notice of Approval (o Disapproval, kung sakaling hindi ka pasok) ng iyong loan. Malalaman mo ang resulta sa loob ng 17 araw.

Pagkatapos, bibigyan ka ng Pag-IBIG ng lista ng requirements na kailangan mong ipasa depende sa klase ng loan na kinuha mo. Pag naipasa mo na ang lahat ng kailangan, maaari ka nang tumira sa napili mong bahay at magsimulang maghulog ng iyong bayad buwan buwan. Congratulations, may sarili ka nang bahay!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here