Paano Madadagdagan ang Libido sa Pamamagitan ng Diet

0
129

Geraldine Monzon

I'm Geraldine Monzon. 37 years old; married with two children. I have written for comics, newspapers, pocketbooks and Indie film. My hobbies are browsing Facebook and Google so that I may learn and explore the world without travelling.

Latest posts by Geraldine Monzon (see all)

Ang mga sumusunod ay ang mga pagkaing makakatulong sa’yo kung nais mo na madagdagan ang iyong libido o sex drive. Mga pagkain ito na nakatutulong din sa iyong healthy diet.

1.Saging (Banana)

Alam na nating lahat na marami tayong nakukuhang kapakinabangan mula sa saging. Meron itong taglay na high fibre, (both soluble and  insoluble) mainam sa kalusugan ng puso, powerhouse of nutrients, high source ng potassium at marami pang iba. Bukod sa nakakaganda rin ito ng kutis, boses at buhok, ang saging ay nakakatulong din sa pagpapataas ng  libido. Nadaragdagan nito ang hormone levels ng mga babae para mag-improve ang kanilang sex drive.

2.Pakwan (Watermelon)

Isa ang pakwan sa mga paborito ko. Ayon sa pagsasaliksik noong 2008, sinasabing ang pakwan o watermelon ay merong viagra effect. Matatagpuan sa pakwan ang lycopene, beta-carotene at citrulline na siyang nagpaparelax sa blood vessels. Hindi man ito direktang gamot para sa impotence ay makakatulong pa rin ito sa pagdagdag ng libido na walang negatibong epekto.

3.Clove, Nutmeg at Saffron

Ang mga spices na ito ay nakakatulong para sa pangkalahatang kalusugan gayundin sa ating libido. Ayon sa pag-aaral na nailathala sa BMC Complementary at Alternative Medicine, ang katas ng Nutmeg at Clove ay nakatulong sa pag-enhance ng sex drive sa isang male animal subject. Habang ang Saffron naman ay nakakatulong sa pag-improve ng sexual dysfunction ng mga kababaihan sa antidepressants at ganoon din sa erectile dysfunction ng mga kalalakihan.

4.Dark Chocolate

Ipinakita ng mga pag-aaral na ang pagkain ng dark chocolate ay nagiging dahilan sa paglabas ng serotonin dahil sa taglay nitong tryptophan. Ito ay nagreresulta ng aphrodisiac at mood lifting. Siguraduhin mo lang na ang pipiliin mong dark chocolate ay low-sugar na may mataas na kalidad.

5. Tubig (water)

Napakahalaga ng tubig sa ating kalusugan. Ang dehydration ay nagdudulot ng maraming negatibong epekto kaya ugaliin nating uminom ng tubig. Kung gusto mong maiwasan ang panlalata, pagod, pananakit ng ulo, at vaginal dryness dapat iwasan mo ang maging dehydrated. Kung kulang ang tubig na pumapasok sa iyong katawan ang gana mo sa sex ay kukulangin rin.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here