Paano kung walang tula?

0
412

edmar recto

Birthdate: January 21, 1955
Birth place: Batangas
Current address: Camella III, Muntinlupa city.
Writer and poet.
Pen name Torex

Latest posts by edmar recto (see all)

Sa akin ang tula ay isang himala,
Nag bigay sa akin ng sigla at tuwa,
Noon ang buhay kong tila nawawala,
Ngayon ay sumaya diwa ay lumaya.

Sa pag iisa ko’y bigat na pasanin,
Ang pangungulila ang laging kapiling,
Para bang wala nang halaga ang pintig,
At ‘wag nang magising sa kunting pag idlip.

Hindi mapalagay isip ay balisa,
Ni walang karamay laging nag iisa,
Ni hindi magawang lumuha tumawa,
Hungkag ang damdamin salat sa ligaya.

Habang ang depresyon ay umaataki,
Waring ang isip ko’y mayro’ng sinasabi,
May dalawang bulong na sama at buti,
Alin sa dalawa ang mamamayani.

Bakit sasayangin ang buhay na hiram,
Ang bulong na samo ng anghel na gabay,
Sa kamatayan lang iyong makakamtan,
Ang sulsul na bulong ng gabay na hangal.

Nang mahimasmasan ang tanging ginawa,
Nag hanap ng libro at aklat na luma,
Nadako ang pansin sa mga lathala,
Na kung binabasa ay temang patula.

Kaya buhat noon naaliw ang isip,
Ang diwang makata kumintal sa dibdib,
Di ba may panahong minsan ay nakamit,
Pag bigkas ng tula’t nag waging malimit.

Kaya nga ang tula sa aki’y himala,
Buhay ko’y binago nag hatid ng tuwa,
Depresyon ay sakit na pwedeng lumala,
Ngunit naiwasan ng dahil sa tula.

By Edmar Recto
Aka Torex
01-18-17

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here