Pamahiin Pag-ibig: Paano ka susuwertehin o mamalasin?

0
1109

Maria Angela Gonzales

PhilippineOne Editor in Chief:Ako si Maria Angela Gonzales, isang manunulat,nagtapos ng AB Masscommunication sa Far Eastern University. Nangangarap na maging kasing tanyag ni JK Rowling pagdating ng araw.

Latest posts by Maria Angela Gonzales (see all)

Lahat naman yata ng babae ay pinangarap na magkaroon ng ka-forever. Kahit ang mga naging matandang dalaga ay ginustong magkaroon ng kasama habambuhay. Hindi lang sila pinalad na magkaroon ng Prince Charming sa iba’t ibang dahilan. Masyadong mataas ang kanilang standard o kaya’y minsang nasaktan, ayaw na sumugal sa pag-ibig. Gayunpaman, marami pa rin ang gustong makatagpo ng kanilang pag-ibig kaya naman lahat ng paraan ay ginagawa nila para lang makilala agad ang kanilang Prince Charming.

 

Sa artikulo nating Pamahiin Pag-ibig, nandito ang karaniwang ginagawa ng mga taong naghahanap nang makakasama nila sa kanilang buhay. Hindi lang iyon, pati na rin ang mga mayroon ng karelasyon at sa mga nagpakasal. Basta ang pamahiing ito ay tungkol sa pag-ibig.

 

    1. Humarap sa salamin at humawak ng nakasinding kandila – Kapag ginawa mo ito ng hatinggabi, maaari mo raw makita ang iyong mapapangasawa. Ang ganda naman sana talaga ng ideya na ito dahil magkakaroon ka ng ideya kung ano ang kanyang hitsura kaya nga lang, kailangan mo ring mag-ingat dahil baka mamaya masamang nilalang o demonyo ang magpakita sa’yo.
    2. Mahilig maupo sa dulo ng mesa kapag kumakain – hindi makakapag-asawa. Kaya, kung ganito ang hilig mo, magbago ka na ng puwesto.
    3. Nunal sa may daluyan ng luha – laging mababalo.
    4. Kapag pinagligpitan kahit kumakain pa – hindi kailanman makakapag-asawa. Kaya, bilisan mo ang pagkain.
    5. Huwag magbibigay ng panyo sa minamahal. Ayon kasi sa pamahiin, kapag niregaluhan mo ng panyo ang iyong karelasyon, lagi lang siyang iiyak dahil sa’yo. Hindi mo naman siguro gugustuhing masaktan ang iyong mahal, hindi ba? Kaya, huwag mo siyang bibigyan ng panyo pero pwede mo siyang pahiramin ng panyo kapag siya ay umiiyak.
    6. Bawal ding magregalo ng matutulis na bagay. Maaari raw kasing maging dahilan ito para magkasira sila. Para kasing tutusukin mo sila palayo sa isa’t isa. Kaya, kahit may plano na silang magpakasal, malaki pa rin ang posibilidad na hindi iyon matuloy.
    7. Kapag ang bituin ay tumabi sa half moon – Kung may anak kang dalaga, kailangan mong bantayan dahil ‘yan ang senyales na marami ang nagtatanan. Baka malusutan ka ng anak mo pati na rin ng kanyang kasintahan.
    8. Huwag na maglakwatsa kapag malapit na ikasal – Habang palapit kasi ang pag-isang dibdib, nandyan ang mga aksidenteng maaaring mangyari kaya kapag ikakasal ka, huwag ka na gumala ka. Mahirap na siyempre kung masusundan ka ni Kamatayan.
    9. Bawal isukat ang trahe de boda – Malas nga raw kapag isinukat ang damit pang-kasal kaya makabubuting sundin mo na lamang ito. Mas maigi naman kasi ito kaysa hindi kayo magkaron ng forever ni labs.
    10. Hindi pwedeng ma-late ang groom sa araw ng kanyang kasal – Kailangan kasi bago dumating ang sasakyan ng bride ay nasa Simbahan na ang kanyang groom. Masama kasing pangitain kung mahuhuli ang lalaki sa kanyang kasal. Maaaring hindi maganda ang kanilang magiging buhay o kaya naman ay hindi talaga matutuloy ang kanilang kasal.
    11. Hindi maaaring malaglag ang belo o singsing habang ikinakasal – Bad luck kasi ang ibig sabihin nito. Hindi raw magiging masaya ang pagsasama ng mag-asawa.
    12. Kapag naunang maupo ang lalaki habang sila ay ikinakasal – Nangangahulugang sila ay magiging andres de saya o magiging sunud-sunuran sa kanilang misis dahil sa takot.
    13. Dapat tapakan ng bride ang pa ng groom – Sa pamamagitan daw kasi nito, magkakasundo ang mag-asawa sa kanilang pagsasama.
    14. Sabay dapat tumayo ang mag-asawa matapos ang kanilang kasal – Kung mayroon kasing maunang tumayo, nangangahulugan na una siyang mamamatay.
    15. Bawal umiyak ang babae sa araw ng kanyang kasal – malas daw ito dahil hindi magiging maganda ang kanyang buhay may asawa.
    16. Hindi rin maaaring umiyak ang mga magulang ng ikakasal – malas din daw ito kaya kailangang kontrolin nina nanay at tatay ang kanilang emosyon.
    17. Kapag umulan sa araw ng kasal – Ibig sabihin, magkakaroon sila ng iyaking anak.
    18. Pagtapon ng bigas sa ikinasal – magiging masagana raw ang kanilang buhay.
    19. May nabasag sa reception – maganda ang ang ibig sabihin nito dahil makatatanggap ng suwerte ang bagong kasal.
    20. Magkasabay ang pag-akyat ng mag-asawa – Iyon ang paran para walang maging dominante sa kanilang pagsasama.
    21. Huwag magsusuot ng perlas na singsing – Magtataksil ang asawa
    22. Kunin ang kamiseta ni mister at isampay sa ibabaw ng kalan kung siya’y umalis ng bahay matapos ninyong mag-away – ‘Yon daw ang paraan para siya ay bumalik sa’yo. O, siguro naman ay may natutunan ka rin dito sa Pamahiin Pag-ibig. Ikaw na ang bahala kung susundin o isnabin mo.

 

 

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

More Tanong mo Sagot ko

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here