PAANO KA MAKAKA-MOVE ON SA HEART BREAK?

0
169

Isa sa pinakamasakit na maaaring pagdaanan ng tao ay ang break-up lalo na at sobrang minahal mo ang tao. Iba-iba ang dahilan ng heartbreak. Isa-isahin nga natin:

  • Iniwan ka ng karelasyon mo.
  • Ikaw ang nang-iwan sa karelasyon mo
  • Lagi kayong nag-aaway at pareho kayong hindi na makatiis at nag-decide na maghiwalay.
  • May third party na involved at ipinagpalit ka sa iba
  • Tutol ang mga magulang ng karelasyon mo sa iyo.
  • Napikot ang karelasyon mo.
  • Nag-abroad ang karelasyon mo. 
  • May natuklasan kang lihim na hindi mo matanggap kaya nakipag-break ka. Halimbawa, may anak o kaya ay two timer pala ang jowa mo. 

Epekto ng break-up

  • Malungkot at iyak ng iyak
  • Hindi makapagtrabaho ng maayos, hindi makakain at makatulog.
  • Nade-depressed
  • Walang gana sa lahat ng bagay
  • False hope. Umaasa na magkabalikan.
  • Masungit. Hindi makausap ng matino at laging nakakulong lang sa kuwarto. 

Hindi ko ito naranasan pero ‘yung simple LQ’s lang noong kabataan ko ay nagpapahirap na sa akin. Hindi ako matahimik at palaging nag-iisip. Pero paano ba natin paglalabanan ang heartbreak at iba pang pasakit na katulad nito. Subukan natin ang mga helpful tips na ito:

  • Magdasal. Ipagdasal ang sarili na maka-move on at alisin ang lahat ng pain sa puso
  • Magbasa ng bible. Makakatulong ito para magluwag ang dibdib. Sigurado, mangungusap ang Diyos sa iyio at mababawasan o mawawala ang pain na nararamdaman mo.
  • Maging positibo. Isipin mo na lang na kaya inalis ng Diyos ang taong iyon sa buhay mo ay dahil may gusto siyang ipalit na kung hindi man perfect, much better.
  • Isipin mo rin na kaya inalis ng Diyos sa buhay ang iyong karelasyon ay dahil nakikita niya ang magiging future mo at ayaw ka niyang magdusa, lalo na kung may masasamang ugali kang nakikita sa karelasyon mo pero bulag-bulagan kang mahalin ito kahit na babaero, lamangero (palaging nanlalamang), hindi thoughtful, selfish, mainitin ang ulo, masungit, hindi magalang, madaling bumuka ang bibig at magalit at marami pang ibang dahilan. 
  • Maging positibo. Maging okay lang. Isipin mo na lang na talagang hindi kayo kaya nagkaganun. Dahil kung talagang kayo, walang pwedeng sumira ng relasyon ninyo kahit na ano o sino.
  • Looked forward for a better relationship lalo na kung marami kang karanasang hindi maganda sa iyong karelasyon.
  • Isipin mong lahat ang masasamang ginawa niya sa iyo. Lagi mong isipin at doon ka mag-dwell para ma-realized mo na hindi siya karapat-dapat na mahalin. 
  • Magpaganda o magpaguwapo para makakita ng iba.
  • Mag-enoy sa buhay kahit may pain. Mag-shopping. Kumain ng masarap. Manood ng sine. Lumabas kasama ng mga kaibigan.
  • MagIabas ang sama ng loob sa mga taong alam mong magbibigay ng magandang payo sa iyo. Iyong bibigyan ka ng encouragement at hindi paninisi.

Tandaan, walang perfect na relasyon. Pero, pwedeng maging maayos ang isang relasyon kung pareho ninyong pinili na mahalin ang isa’t-isa for what he/she is. 

Pero kung two timer naman at maraming masamang ugali, huwag nang panghinayangang mawala. Ipagpasalamat pa at maghanap ng mas mabuti.

Heartbreak can be very very painful. Pero lagi mong iisipin na ang sakit ay hindi permanente. Soon, it will passed at hihilom rin ang mga sugat. Gawin mong magaan ang lahat para sa iyong sarili. In the end, tanging ang Diyos, at ikaw lamang ang makakatulong sa iyong sarili para makapag-move on. 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here